Tuesday, December 2, 2014

Bidding para sa PCOS machines, tuloy

HINDI na mapipigil ang inilatag na bidding ng Commission on Elections (Comelec) para sa pagbili ng bagong Precint Count Optical Scan (PCOS) machines para sa 2016 Presidential elections.


Ito’y makaraang ibasura ng Korte Suprema ang petisyong inihain ni dating Immigration Commissioner Homobono Adaza na nagpapahinto sa bidding.


Dahil dito, itinakda ng Comelec sa Disyembre 4 at 5 ang deadline sa pagsusumite ng requirements ng mga bidders para sa optimal mark reader at direct recording electronic system.


Gayunman, pinagkokomento pa rin ng High Tribunal ang Comelec at Smartmatic sa loob ng 10-araw matapos nilang matanggap ang kopya ng desisyon. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Bidding para sa PCOS machines, tuloy


No comments:

Post a Comment