Wednesday, December 31, 2014
Bata, patay sa ligaw na bala; abot sa 12 katao, sugatan dahil sa pagpapaputok ng baril
Pelengke sa N. Cotabato pinasabugan, 4 patay, 30 sugatan
APAT katao ang kumpirmadong nalagas habang may 30 naman ang nasugatan nang sumabog ang bombang itinanim sa isang pampublikong palengke sa Mlang, North Cotabato nitong Miyerkules ng hapon (Disyembre 31).
Dead-on-the-spot sanhi ng pagsabog ang apat na biktima na hindi na nakuha ang mga pangalan.
Isinugod naman sa Mlang Doctors Mlang District Hospitals, at sa pagamutan sa Kidapawan City sanhi ng tinamong iba’t ibang pinsala sa ulo at katawan ang mga nasugatang biktima.
Blangko naman ang pulisya sa kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog pero iniuugnay ito sa November 23 billard center bombing sa nasabi ring lungsod na ikinamatay ng tatlo at ikinasugat ng 20.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 3:45 ng hapon sa tapat ng pampublikong palengke sa may Bgy. Poblacion.
Ayon kay Rafael Porras, barangay chairman ng lugar, biglang sumabog ang bomba sa may tindahan ng mga prutas habang ang mga biktima ay namimili para sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Naganap ang insidente isang araw bago natiklo ang nasa likod ng pagsabog noong November 23. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
Pelengke sa N. Cotabato pinasabugan, 4 patay, 30 sugatan
Higit 40 biktima ng paputok, naitala sa QC
MAHIGIT 40 katao na ang nabiktima ng paputok na isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) sa Quezon City.
Hanggang alas-6 ng umaga ng unang araw ng 2015, 46 ang naitalang pasyente kabilang ang apat na gunshot victims. Nilinaw naman ng pamunuan ng ospital na ang pulisya ang tutukoy kung ligaw na bala ang nakadale sa apat.
Sa mga nasabugan ng paputok, pinakamarami pa rin ang biktima ng piccolo habang ang iba’y napaso ng lucis at kwitis at ang iba naman ay tinamaan ng Goodbye Philippines.
Inaasahan ng pamunuan ng ospital na dadagsa pa ngayong umaga ang mga naputukan. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
Higit 40 biktima ng paputok, naitala sa QC
Bumbero, naputulan ng kamay sa QC fire
NAPUTULAN ng kamay ang isang miyembro ng fire volunteer brigade nang masunog ang isang malaking populasyon sa Quezon City kaninang umaga, Enero 1.
Hindi na naisalba pa ng mga manggagamot sa Chinese General Hospital (CGH) ang kanang kamay ng biktimang si Paul Manuel matapos masabugan ng liquefied petroleum gas (LPG).
Mayroon din naman na mga residente ang nasaktan sa sunog pero minimal lamang ang tinamong pinsala habang halos maubos naman ang may 4,000 magkakadikit na kabahayan na pawang gawa sa light materials.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-7 a.m. sa Kaingin Bukid, West Riverside, sa Bgy. Apolonio Samson, Q.C.
Bago ito, bigla na lamang sumiklab ang sunog na umbot sa Task Force Alpha sa isa sa mga bahay sa lugar na mabilis na kumalat sa mga kalapit nitong bahay.
Pero habang inaapula ng iba’t ibang bumbero ang sunog, magkakasunod na sumabog ang mga LPG na nasa mga naapektuhang kabahayan kaya tinamaan sa kamay si Manuel.
Dahil umaapoy ang dadaanan, napilitang lumusong ang ilang residente sa katabing ilog bitbit ang kani-kanilang gamit. At dahil din sa malakas ang ihip ng hangin ay naapula ang sunog pasado 10:15 ng umaga.
Nabatid mula kay Bgy. Captain Cheche De Jesus na ang natutupok na lugar ang isa sa pinakamalalaking komunidad ng informal settlers na umuukopa sa nasa 4,000 kabahayan. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
Bumbero, naputulan ng kamay sa QC fire
New Year baby, isinilang sa Maynila
ISANG malusog na baby girl ang isinilang sa Dr. Fabella Memorial Hospital sa Maynila kasabay ng pagsalubong ng taong 2015.
Nabatid na dalawang oras inabot ng panganganak si Gigi Amparadao sa kanyang New Year baby na pinangalanang baby Daniela.
Ayon kay Gigi, pang-apat na niya itong supling at naniniwalang suswertehin ang kanyang anak dahil ipinanganak ito ng Bagong Taon.
Gayunman, dalangin pa rin ng ginang na lumaking malusog at mabait ang kanyang baby. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
New Year baby, isinilang sa Maynila
Sunog sa Maynila, paslit patay
ILANG oras matapos ang pagsalubong ng Bagong Taon ay isang 7-taong gulang na lalaki ang namatay matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Malate, Maynila kaninang madaling-araw.
Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire sa Maynila, alas-2:00 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa Muñoz St. sa Malate, Maynila.
Nakita naman ang katawan ng biktima sa kuwarto sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa Texas St. sa nasabi ring lugar.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at naapula pasado alas-3 ng madaling-araw kung saan nahirapan ang mga bumbero na pasukin ang lugar dahil sa kipot ng mga daanan.
Maliban sa biktima ay mayroon pa umanong dalawang sugatan.
Pansamantala namang nanunuluyan sa covered court ng barangay ang nasa 20 pamilyang nasunugan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng BFP sa naging sanhi ng sunog na pinaniniwalaang dahil sa paputok. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
Sunog sa Maynila, paslit patay
3 motor nagkarambola, 1 tigbak
SAN CARLOS, PANGASINAN – Isa ang patay habang lima ang malubhang nasugatan matapos magkarambola ang tatlong motorsiklo bago mag-Bagong Taon sa San Carlos, sa nasabing lalawigan kagabi, December 31.
Kinilala ang namatay na si Noel Macaraeg, 20, ng Bgy. Aliwekwek sa nasabing bayan.
Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa Bgy. Talang, nang banggain si Macaraeg ang motosiklo ni Terry Banez, 35, na bumangga naman kay Jerwin de Leon, 22.
Nabagok ang ulo ni Macaraeg sanhi ng kanyang agarang pagkamatay at si Banez at De Leon ay parehong isinugod sa pinakamalapit na ospital.
Nasugatan din sina Manny Christopher Bustamante, Roldan Ulanday at Jonalyn de Leon.
Sa ngayon, patuloy ang follow-up investigation sa nasabing insidente. ALLAN BERGONIA
.. Continue: Remate.ph (source)
3 motor nagkarambola, 1 tigbak
54 patay sa huminang 'Seniang'
54 patay sa huminang 'Seniang'
‘Trillanes desperado nang maibagsak ang VP’-Tiangco
‘Trillanes desperado nang maibagsak ang VP’-Tiangco
Death toll ni Seniang: 52 patay
Death toll ni Seniang: 52 patay
CPP-NPA-NDF dumanas ng matinding dagok sa 2014
CPP-NPA-NDF dumanas ng matinding dagok sa 2014
Bading ninakawan, pinatay
Bading ninakawan, pinatay
Mag-amang mangingisda, nasagip
Mag-amang mangingisda, nasagip
P2-B Hub sa Palayan City, itatayo
P2-B Hub sa Palayan City, itatayo
Mag-ina ng Pinoy kasama sa AirAsia
Mag-ina ng Pinoy kasama sa AirAsia
Sa mga sundalong magpapaputok ng baril sa Bagong Taon Court martial nakaamba
Sa mga sundalong magpapaputok ng baril sa Bagong Taon Court martial nakaamba
‘Bilang ng naputukan mahigit 162 na’ - DOH
‘Bilang ng naputukan mahigit 162 na’ - DOH
Pinoy inutas sa Las Vegas
Pinoy inutas sa Las Vegas
4,835 wanted tiklo
4,835 wanted tiklo
PNoy nagbabala sa bulok na kalakaran
PNoy nagbabala sa bulok na kalakaran
Palawan target ni Seniang
Palawan target ni Seniang
'Seniang' death toll: 53
'Seniang' death toll: 53
Tuesday, December 30, 2014
2 senglot naaksidente, 1 patay
SAN QUINTIN, PANGASINAN – Dahil sa impluwensya ng alak, isang lalaki ang patay habang isa ang malubhang sugatan ng bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa konkretong pader sa San Quintin sa nasabing lalawigan.
Kinilala ng Sa Quintin police ang namatay na si Narlito Valdez at malubhang nasugatan naman si Renato Ordinario.
Sa imbestigasyon, mga lasing ang dalawang biktima ng mangyari ang insidente sa Bgy. Lungayao, sa nasabing bayan.
Minamaneho ni Ordinario ang motorsiklo nang tumama sa isang concrete wall sanhi nang pagtilapon ni Valdez ilang metro sa pinangyarihan ng insidente.
Si Valdez ay nagtamo ng bone at skull fracture sanhi ng kanyang agarang pagkamatay. Si Ordinario naman ay agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital. ALLAN BERGONIA
.. Continue: Remate.ph (source)
2 senglot naaksidente, 1 patay
Firecracker-related injuries nasa 160 na – DOH
BUMABANDERA na sa mahigit 160 katao ang nabiktima ng paputok bago ang pagsalubong ng bagong taon mamayang gabi.
Ipinagmalaki pa ng DOH na mas mababa ito ng 67 cases o 29% sa mga naitalang insindente limang taon na ang nakararaan.
Sa nasabing kaso 160 rito ay firecracker-related injuries, dalawang kaso ng fireworks ingestion kasama na ang 9-taong gulang na batang isinugod sa Quezon City.
Ayon naman kay Department of Health (DOH) Spokesperson Lyndon Lee Suy, mas mahigpit na ang kanilang monitoring dahil mamayang gabi pa ang peak ng paggamit ng paputok bilang pagsalubong sa Bagong Taon.
Muli namang nanawagan ang nasabing ahensya na iwasang gumamit ng firecrackers para hindi na madagdagan ang bilang ng mga biktima ng paputok.
Lalong maigi umanong gumamit na lamang ng mga alternatibo para makagawa ng ingay gaya ng pagpapatugtog ng malakas na musika, paggamit ng torotot at iba pa. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
Firecracker-related injuries nasa 160 na – DOH
Patay sa Bagyong Seniang, 35 na – NDRRMC
SUMIPA na ang bilang ng mga namatay dahil sa pananalasa ng Bagyong Seniang.
Iniulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Alexander Pama na 35 na ang naitalang patay hanggang Miyerkules ng madaling-araw.
26 naman ang sugatan habang walo pa ang nawawala.
Tulad ng mga naunang ulat, sinabi ni Pama na karamihan sa namatay ay mula sa Region 7 at 8, partikular sa Cebu, Samar at Leyte, at karamihan dito’y biktima ng landslide o kaya’y tinangay ng flashflood.
Ayon din sa NDRRMC, 27,397 pamilya o 121,737 residente ang apektado ng bagyo mula sa Region 6, 7, 10, 11 at Caraga. Mahigit 5,000 pamilya ang sumailalim sa preventive evacuation.
117 na ang naitalang nasirang bahay habang pumapalo sa P3.7 milyon ang nawasak sa agrikultura sa Agusan del Sur at Misamis Oriental.
Sinabi naman ni Pama na patuloy ang pag-ayuda ng gobyerno sa mga apektadong residente. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
Patay sa Bagyong Seniang, 35 na – NDRRMC
Bangkay sa landslide sa Samar, 19 na
UMABOT na sa 19 na bangkay ang narekober sa landslide sa Bgy. Mercedes, Catbalogan City, Samar. Makaraang manalasa ang Bagyong Seniang.
Kabilang sa nasawi sa anim ang may edad 7 – 17.
Natabunan din ng gumuhong lupa mula sa bahagi ng bundok ang anim na bahay at dalawang pampasaherong van bagama’t nailigtas naman ang mga sakay nito.
Sa kasalukuyan ay tatlo pang residente ang pinaghahanap habang walo sa 19 na sugatan ang nananatili pa sa ospital.
Nabatid na umabot sa 160 pamilya ang inilikas sa Catbalogan dahil sa naturang bagyo. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
Bangkay sa landslide sa Samar, 19 na
5 todas, 2 sugatan sa sunog sa Las Piñas
LIMA ang nasawi habang dalawa ang sugatan makaraang lamunin ng apoy ang kanilang tahanan sa Las Piñas City kaninang umaga.
Nabatid na magkakamag-anak ang mga nasawi na hindi pa batid ang pagkakakilanlan sa Nomad St., Pulang Lupa Dos. Habang dalawa rin sa kanilang kamag-anak ang nasugatan.
Patuloy na inaalam ng awtoridad ang dahilan ng sunog.
Samantala, kaninang madaling-araw din nagkaroon ng sunog sa Quezon City kung saan 50 residente ang nawalan ng tahanan nang masunog ang 11 bahay sa Bgy. Pasong Tamo.
Hinihinalang nagmula ang sunog sa naiwang nakasinding kandila habang wala namang nasugatan ngunit sumira nang may P300,000 halaga ng ari-arian.
Nagsimula ang sunog bandang alas-3:44 ng madaling-araw na umabot sa ikalawang alarma at naapula bandang alas-4:30 ng madaling-araw. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
5 todas, 2 sugatan sa sunog sa Las Piñas
7, 300, na-stranded sa mga pantalan dahil ka ‘Seniang’
IPINAHAYAG ng Philippine Coast Guard (PCG) na halos umabot sa 7,292 ang stranded passengers sa mga pantalang apektado ng bagyong Seniang.
Dahil sa sama ng panahon, hindi pa rin pinapayagan ng PCG na makabiyahe ang 373 rolling cargoes, 16 barko at 34 motor banca mula at patungo sa mga lugar na nasa ilalim ng Public Storm Warning Signal (PSWS).
Kabilang dito ang Cuyo Island, Calamian Group of Islands at Palawan na pawang inaasahang mas lalaki pa ang mga alon.
Batay naman sa Oplan Ligtas-Biyahe Krismas 2014 ng Department of Transportation and Communications (DOTC), umabot na sa 45,928 pasahero ang sumakay ng barko sa iba’t ibang pantalan sa bansa na hindi apektado ng bagyo hanggang alas-12:00 Martes ng hatinggabi.
Muling ipinaalala ng PCG sa mga biyahero na bawal magdala ng mga paputok ng walang kaukulang permit mula sa Firearms and Explosives Office (FEO) ng PNP. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
7, 300, na-stranded sa mga pantalan dahil ka ‘Seniang’
Adik bugbog-sarado sa pangho-hostage
BUGBOG-SARADO ang isang hinihinalang bangag sa droga na nang-hostage ng isang tatlong-taong gulang na babae kaninang umaga (Dec. 31,) sa Pasay City.
Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Rowel Abarquez, 40, ng no. 2701 Guatemala St., Bgy. San Isidro, Makati City.
Dahil dito, nasa state of shock ang ‘di pinangalanang bata na nasa kustodiya na ng Pasay-DSWD.
Sa ulat ni SPO4 Cris Gabutin ng Investigation and Detective Management Division, naganap ang insidente dakong 6:00 ng umaga sa kanto ng Taft Ave. at Primero de mayo ng naturang lungsod.
Dahil sa kalanguan sa droga, nangungursunada ang suspek sa bawat taong nagdaraan sa lugar, at isa sa naglalakad ay binato ng bote sa ulo kaya nagkagulo na lugar na labis na ikinatakot ng mga tao.
Nagkataong nakasakay ng jeep si Marites Mijares, 50, ng Imus, Cavite, bitbit ang kanyang na apo nang biglang pumasok sa pampasaherong jeep ang suspek at inagaw ang bata sa lola sabay tutok ng patalim sa leeg.
Nagtakbuhan pababa ng jeep ang mga pasehero habang nakatutok ang patalim sa bata at pinagbantaang sasaksakin ito.
Nang tumalikod ang suspek, isang pulis na kinilalang SP1 Timothy Mangote ang napadaan sa naturang lugar na nakakuha tiyempo at dinamba ang suspek sabay pasok sa jeep ng mga galit na taumbayan at binugbog ang suspek.
Nailigtas ang bata habang dinala na himpilan ng pulisya ang suspek. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
Adik bugbog-sarado sa pangho-hostage
Lider ng Somali militant group, todas sa airstrike
TODAS ang leader ng Somali militant group al Shabaab sa inilunsad na US air strike sa Somalia.
Kinilala ng Somalia National Intelligence and Security Agency ang biktimang si Abdishakur o Tahliil, na namumuno sa Amniyat, isang unit na pinaniniwalaang responsable sa serye ng suicide attack sa Mogadishu.
Matatandaang inihayag ng US Defense Department na maglulunsad ang mga ito ng air strike sa Somalia target ang isang senior al Shabaab leader. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
Lider ng Somali militant group, todas sa airstrike
Paslit sugatan sa sunog sa Pasig
SUGATAN ang isang paslit makaraang masunog ang kanilang tahanan sa Bgy. Pinagbuhatan, Pasig City kaninang madaling-araw, Miyerkules.
Nagsimula ang sunog bandang alas-2:30 ng madaling-araw sa Molave St. na umabot sa ikalawang alarma bago mag-alas-3:00 ng madaling-araw.
Umabot naman sa P50,000 halaga ng ari-arian ang naabo.
Kasalukuyan pa ring inaalam ng awtoridad ang sanhi ng sunog. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
Paslit sugatan sa sunog sa Pasig
35 patay kay 'Seniang' – NDRRMC
35 patay kay 'Seniang' – NDRRMC
KARNENG TAO, MARIJUANA AT BULATE PARA KAY KAREN
NAPATIKIM tayo ng mga hamburger at sausage ng McDonalds makaraang masiyahan tayo sa drama nina Karen at ang lolo niyang mapagmahal kahit may sakit nang kalimot sa katandaan.
“Ito’y para sa paborito kong apo, si Karen,” sabi ng lolo habang hinahati nito ang hamburger.
Masarap nga ang McDo dahil sa “puro” karneng baka ang palaman ng hamburger at puro baka ang bumubuo ng sausage nito.
Pero teka, nagpapakatotoo kaya ang kompanyang ito?
KARNENG TAO
Nitong August 17, 2014, naglabas ang isang PhilippineTV.net, batay naman sa inilabas ng Huzler.com, ng ulat na natagpuan umano ng mga ahente ng Federal Bureau of Investigation ang mga karne ng McDo na may kahalong karne ng tao.
Isang FBI agent umano na nagngangalang Lloyd Harrison ang nagsabing 90% ng suplay na karne ng McDo Oklahoma ang naglalaman ng karneng tao.
Trak-trak umano ang na-intercept o naharang nila habang papuntang headquarter ng McDo ang mga ito.
Pero galing umano sa mga baby na tao ang karne at nag-iimbestiga na umano ang FBI rito.
SATIRE LANG
Makaraan nito, sinasabi naman ng TruthOrFiction.com na satire o nakatatawang pagpuna lang ang inilabas ng Huzler.com.
Ang masama lamang umano sa ulat ng Huzler.com ay hindi nito pinaghihiwalay ang katotohanan at kathang isip lang.
Kabilang sa mga sinasabing may lamang karne ng tao ang pink slime o mga tira-tira sa pagkatay gaya ng mga litid na nagmumukhang pink dahil hinahaluan o ibinababad ito sa ammonium hydroxide.
Peke rin umano ang sample na ginamit ni celebrity chef Jamie Oliver sa paglalabas ng ulat sa pink slime.
Kung ano ang totoo, bahala na kayong tumuklas ng katotohanan.
KARNENG HAPON
Talaga namang mahirap paniwalaan na naghahalo ang McDo ng karneng tao sa mga burger at sausage nito.
Pero dahil sa balitang ito, naalala natin ang mga cannibal o mga taong nagtuturing sa karneng tao na pinakamasarap sa lahat ng mga karne.
Marami ngang matatanda at beteranong sundalo ng USAFFE at Philippine Scout noong World War 2 ang nagkukwento na kinakatay nila ang mga nahuhuli nilang mga sundalong Hapon.
Ewan natin kung kayabangan lang iyon. Masarap daw ang tao, ang karneng Hapon.
Kung totoo ang cannibalism at kung totoo ang kwento ng mga beterano sa World War 2, totoo rin kaya ang ulat ukol sa McDo?
Mariing itinatatwa ng McDo ang ulat at hindi masama na paniwalaan natin ito.
KABAYO AT BULATE
Paano naman ang paghahalo ng McDo ng karneng kabayo at bulate umano sa mga karneng baka nito?
Ayon naman sa Daily Buzz Live, may halong bulate ang mga burger at sausage ng McDo.
SabiHuzlers.com, may kabayo.
Pareho ang Daily Buzz Live at Huzlers.com na nagsasabing galing sa FBI o kaya sa US Department of Agriculture ang mga balita.
Syempre pa, ipinagpipilitan ng McDo na 100% karneng baka ang kanilang burger at sausage. Bahala na kayo, mga Bro, na umalam ng katotohanan.
Ang maganda siguro ay magsagawa rin ang ating sariling gobyerno, sina PNoy, ng sariling pag-aaral kung totoo o hindi ang mga balita.
ANG TOTOO
Pero merong totoo na balita: ang pagkakaroon ng McDo ng karneng bilasa o expired na inihahalo sa bago.
At natagpuang ginawa ito sa Shanghai Husi Food Co. sa Tsina at pag-aari ng Illinois-based OSI Group.
Bago nadiskubre ang kalokohang ito, matagal na palang nagsusuplay ang Husi ng ganitong klase ng karne sa McDo, Starbucks, KFC at Pizza Hut.
Bilyon-bilyong katao na pala ang biktima ng iskam na ito.
Sana naman, ito lang ang totoo at hindi totoo na may karneng tao, kabayo at bulate ang McDo. Para naman masiyahan nang totoo ang lahat ng lolo at ang lahat ng kanilang apo na sina Karen.
Hehehe!
PASALUBONG O BAON
Malapit na ang Bagong Taon. Malapit na rin ang kapistahan ni Itim na Nazareno. At nakadikit sa mga ito ang pagdating ni Pope Francis sa mahal kong Pinas.
Kailangan natin ang magaan na pagkaing pupwedeng ibulsa na lang at dudukutin na lang kung tayo’y nagugutom.
‘Yan ay kung gusto nating makipagsiksikan sa milyon-milyong katao sa araw ni Itim na Nazareno at pagdating ni Pope Francis.
Maganda ring pasalubong ang magaan ding pagkain na kumpleto na sa ulam at kanin o katumbas ng kanin gaya ng hamburger.
Bahala na kayo, mga Bro, kung hamburger at sausage na inipit sa tinapay ang inyong babaunin o pasalubong.
o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA
.. Continue: Remate.ph (source)
KARNENG TAO, MARIJUANA AT BULATE PARA KAY KAREN
SANGKALAN NI CAMARA SA PULITIKA ANG SBMA EMPLOYEES
HALATANG-HALATA ang kaugnayan ni Philip Camara, isa sa mga direktor ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), sa paninira at pagdiskaril sa pamumuno ni Chairman & Administrator Roberto V. Garcia.
Ito Ang Totoo: lumalabas na ginagamit ni Camara sa maling bagay ang matagal nang nabibinbing dagdag-suweldo ng SBMA employees. Naglabasan kamakailan sa ilang diyaryo ang pag-ako ni Camara ng kredito sa pagpasa ng SBMA board sa pagsailalim ng SBMA employees sa Salary Standardization Law (SSL).
Pare-pareho ang nakasulat, pati pangalan ni Garcia ay pare-parehong mali na sa halip na Roberto ay naging Reynaldo, kaya bistadong-bistado na iisa ang pinaggalingan ng mapanirang “feed,” ‘di ba direktor Camara?
Ito Ang Totoo: magdadalawang taon na ang rekomendasyon ni Chairman Garcia at SBMA board na 10% dagdag-suweldo batay sa mas mataas na Bases Conversion Developement Authority (BCDA) rates pero nauudlot dahil sa paulit-ulit na maniobra ni Camara nang sari-saring alegasyon laban kay Garcia.
Sa halip na aprubahan, nagpapa-imbestiga tuloy ang Malacañang na nakakita namang walang katotohanan ang mga alegasyon ni Camara.
Ito Ang Totoo: batas ang nagtatakda na idaan sa Malacañang at Dept. of Budget and Management (DBM) ang dagdag-suweldo sa SBMA employees.
Dahil may pera naman na resulta nang maayos na pamamalakad, nais ibigay ni Garcia ang dagdag-suweldo.
At bukod sa SSL, hinahabol pa rin ni Garcia ang 10% increase para sa SBMA employees at sa kalaunan, ang kabuuang pagpapatupad ng BCDA rates na magpapaginhawa sa pamumuhay ng marami.
Bakit kailangang akuin ni Camara ang kredito at siraan si Garcia gayong ang pagkakapasa ng pagpapatupad ng SSL ay kagustuhan ng buong board?
May kasamang alegasyon na umano’y pag-iipon ni Garcia ng pondo para sa kandidatura ni Bise-Presidente Jejomar Binay kaya tila politika ang nasa kokote ni Camara na nahihibang na sa pagnanasang maging SBMA chairman bilang preparasyon sa kandidatura ng boss niyang si Mar Roxas.
Si Garcia ang unang ulo ng SBMA na walang bahid politika kaya panis ang alegasyon ni Camara na dapat sa ngayon ay napupuna na ng Malacañang na balakid sa normal na operasyon ng SBMA at Subic Freeport. Ito Ang Totoo! ITO ANG TOTOO/VIC VIZCOCHO, JR.
.. Continue: Remate.ph (source)
SANGKALAN NI CAMARA SA PULITIKA ANG SBMA EMPLOYEES
Panukalang iwas cancer, isinulong ni Miriam
Panukalang iwas cancer, isinulong ni Miriam
Pamilya, 4 sugatan sa grenade blast
Pamilya, 4 sugatan sa grenade blast
SSS may 38-bagong opisina ngayong taon
SSS may 38-bagong opisina ngayong taon
Pinay ‘for sale’ sa Singapore
Pinay ‘for sale’ sa Singapore
36 katao patay sa bagyong Seniang
36 katao patay sa bagyong Seniang
Tamang pagboto ituturo sa high school
Tamang pagboto ituturo sa high school
P1-B pondo sa fire truck, ipaliwanag
P1-B pondo sa fire truck, ipaliwanag
Lalaki, sugatan sa pagpapaputok ng baril; binatilyo, sugatan naman sa piccolo
Lalaki, sugatan sa pagpapaputok ng baril; binatilyo, sugatan naman sa piccolo
Dayuhang nag-jaywalking, dinuraan daw si Manila vice mayor Isko Moreno
Dayuhang nag-jaywalking, dinuraan daw si Manila vice mayor Isko Moreno
Mga nakapiit sa PNP-Custodial Center, puwedeng makasama ang pamilya sa pagsalubong sa 2015
Mga nakapiit sa PNP-Custodial Center, puwedeng makasama ang pamilya sa pagsalubong sa 2015
162 na biktima ng paputok
162 na biktima ng paputok
Monday, December 29, 2014
Free ride sa MRT at LRT, umarangkada ngayong araw
INILARGA ngayong araw, Disyembre 30, ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) ang libreng sakay, kasabay ng pagdiriwang ng ika-118 anibersaryo ng kamatayan ni Gat Jose Rizal.
Ayon sa Department of Transportation and Communications (DOTC), magsisimula ang libreng sakay alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga.
Pagsapit ng alas-5:00 ng hapon, magkakaroon muli ng libreng sakay na tatagal hanggang alas-7:00 ng gabi. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
Free ride sa MRT at LRT, umarangkada ngayong araw
AirAsia tragedy: Search area sa Java Sea, palalawakin
UMAPELA na ng tulong sa Estados Unidos ang Indonesia kaugnay sa nawawala pa ring AIrAsia Flight QZ8501 na bumiyahe mula Indonesia at patungong Singapore.
Ito’y kahit pa nagkaroon na ng ilang mahalagang development, matapos may namataang kahina-hinalang debris ang Orion aircraft ng Autsralia na isa sa tumutulong sa search operation.
Ayon kay Bambang Sulistyo, head ng Indonesia search-and-rescue agency, maliban sa Amerika ay nagpapasaklolo na rin sila sa iba pang malalaking bansa gaya ng United Kingdom at France para sa karagdagang underwater search operation.
Sa ngayon ay limang bansa na ang katuwang ng Indonesia kabilang ang Malaysia at Singapore, habang nagpahayag na rin ng kahandaan ang sandatahang lakas ng Pilipinas na tumulong.
Samantala, sa ikatlong araw ng search operation sa nawawalang Malaysian carrier, palalawakin pa sa apat na area sa malalim na bahagi ng Java Sea ang rescue operation. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
AirAsia tragedy: Search area sa Java Sea, palalawakin
Presyo ng ilang bilog na prutas, sumirit na
SIMIPA na rin ang presyo ng mga bilog na prutas dalawang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.
sa ulat, sa bentahan sa Baclaran, P5 na ang itinaas ng kada piraso ng mansanas at peras.
P60 naman ang itinaas ng seedless grapes na dati’y P180 pero ngayo’y P240 na kada kilo, at ang atis, P200 na bawat kilo mula sa dating P150.
Ang presyo ng iba pang bilog na prutas tulad ng Kiat-kiat – P50 kada balot, Sugar Kiat-kiat – P100 kada kilo, Maliliit na mansanas – P50/balot (5 piraso), Ponkan – P50/balot (7 piraso), Suha – P100/k, Chico – P70/k, Melon – P35 kada piraso, Malalaking bayabas – P70/k, Dalandan – P35/k.
Katwiran naman ng ilang tindera sa pagtaas ng presyo, mahal din ang kuha nila sa mga prutas mula Divisoria. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
Presyo ng ilang bilog na prutas, sumirit na
Paggunita sa Rizal Day, pinangunahan ni PNoy
PINANGUNAHAN ni Pangulong Benigno Aquino ang paggunita sa ika-118 anibersaryo ng pagkamatay ng pambansang bayaning si Jose Rizal.
Martes ng umaga, nanguna si Aquino sa pagtataas ng bandila at pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Rizal sa Luneta.
Kasama ni PNoy sina Vice-President Jejomar Binay, Manila Mayor Erap Estrada, Armed Forces chief Gregorio Catapang, National Historical Commission chair Ma. Sereno Diokno, at mga descendant ni Rizal.
Tema ng okasyon na itinuturing ding paggunita sa kabayanihan ni Rizal ang “Rizal 2014: Dunong at Pusong Pilipino.” JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
Paggunita sa Rizal Day, pinangunahan ni PNoy
Firecracker-related injuries sumipa sa 140
HABANG inaantabayan ang pagdiriwang ng Bagong Taon, aabot na sa 140 ang naitalang firecracker-related injuries sa bansa na karamihan ay dahil sa piccolo.
Bagama’t bumaba na sa 39% ang mga nasugatan kung ikukumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon, muling iginiit ng Department of Health (DOH) sa mga magulang na pigilan ang kanilang mga anak na maglaro ng anomang klase ng paputok sa pagsalubong ng New Year.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, maaari namang salubungin ang Bagong Taon na walang paputok para walang madamay gamit ang mga mapaminsalang firecrackers.
Sa naitalang 51 kaso, karamihan dito ay mga batang edad 10-taon pababa habang ang 102 na biktima ay ang mga active users ng paputok.
Karamihan pa rin sa mga naitalang kaso ay mula sa National Capital Region (NCR), na may 51 kaso; Northern Mindanao, 12; Davao region, 11 at Cagayan Valley, 10.
Ang monitoring ay bahagi pa rin ng programa ng health agency na Aksyon Paputok Injury Reduction.
Samantala, patuloy naman ang monitoring ng PNP sa kaso ng indiscriminate firing sa bansa kaugnay pa rin sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay S/Supt Robert Po Deputy PIO ng PNP, bagama’t bumaba ang kaso sa nakaraang tatlong taon ay kailangan nila itong pagtuunan ng pansin para maiwasan ang anomang sakuna.
Sa ngayon, nasa 10 kaso na ng stray bullets ang naitala sa buong bansa at pito rito ay may nabiktimang indibidwal.
Ang huling kaso ng indiscriminate firing ay kinasasangkutan ng isang Jailguard na si Mario Cortez na ngayo’y nakakulong at nadis-armahan na.
Napag-alamang noong Linggo pa naganap ang insidente sa Bgy. Bagong Silang sa Lumban, Laguna na biktima ang isang pitong-taong gulang na bata na tinamaan sa ulo na maswerte namang nakaligtas. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
Firecracker-related injuries sumipa sa 140
Temperatura sa Baguio, bumagsak sa 11.8°C
BUMULUSOK na sa 11.8°C ang naitalang temperatura sa Baguio, Martes ng madaling-araw.
Dahil dito, inaasahang mas titindi pa ang lamig sa mga susunod na araw habang papasok ang Enero dahil pa rin sa paglakas ng Northeast monsoon o Amihan.
Matatandaang Enero 14, 2013 nang maitala ang temperatura sa Baguio City na 9.5°C.
Enero 18, 1961 naman nang maitala ang pinakamababa sa kasaysayan na 6.3°C.
Tuloy ang pagdagsa ngayon ng mga turista sa “summer capital” ng bansa na inaasahang magpapatuloy hanggang sa pagsalubong sa Bagong Taon. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
Temperatura sa Baguio, bumagsak sa 11.8°C
Zambo muling pinasabog
MULING binulaga ng pagsabog ang kalye ng Tomas Claudio sa Zamboanga City kagabi, Lunes.
Ayon sa mga tindero sa lugar, nagkaroon muna ng blackout bago ang pagsabog.
Dahil sa madilim, nabigla at nag-panic ang mga nagdaraan sa kalye nang marinig ang pagsabog.
Nabatid kay Zamboanga Police Public Information Officer Supt. Ariel Huesca, walang naitalang biktima sa pagsabog.
Nagsagawa na ng post-blast examination ang pulisya sa lugar. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
Zambo muling pinasabog
Mga oil companies may dagdag-presyo
KINUMPIRMA ng oil firms Petron, Shell, at Seaoil na magpapatupad ang mga ito ng price increase sa kanilang produktong petrolyo ngayong araw.
Nauna nang nagpatupad ng dagdag presyo sa gasoline ang Seaoil ng P0.30 at P0.10 sa kerosene kaninang alas-12:01 ng umaga.
Wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.
Sumunod na nagpatupad ng parehong price increase bandang alas-6:00 ng umaga ang Petron at Shell. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
Mga oil companies may dagdag-presyo
21 todas, 35 sugatan sa pagsabog sa Iraq
TODAS ang may 21 katao habang 35 naman ang sugatan makaraang sumabog ang isang sucide bomber na nakasuot ng explosive vest sa loob ng isang funeral tent sa al Taji, Baghdad, Iraq.
Pinaglalamayan sa nasabing funeral tent ang isang miyembro ng grupong Sons of Iraq and Sahawat na binubuo ng Sunni Arab fighters, ang grupong humiwalay sa al Qaeda.
Naniniwala naman ang Iraqi security forces na miyembro ng ISIS ang may kagagawan ng nasabing pag-atake. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
21 todas, 35 sugatan sa pagsabog sa Iraq
'Seniang' nasa Iloilo na matapos mag-landfall sa Cebu
'Seniang' nasa Iloilo na matapos mag-landfall sa Cebu
PNoy pinangunahan ang paggunita sa 118th Rizal Day
PNoy pinangunahan ang paggunita sa 118th Rizal Day
140 na ang naputukan bago ang New Year – DOH
140 na ang naputukan bago ang New Year – DOH
Tips vs piccolo poisoning
Tips vs piccolo poisoning
Zambo niyanig ng 6.1 lindol
Zambo niyanig ng 6.1 lindol
PNoy mangunguna sa Rizal Day
PNoy mangunguna sa Rizal Day
Wala dapat kondisyon ang CPP sa peace talks – Palasyo
Wala dapat kondisyon ang CPP sa peace talks – Palasyo
Indra kinuwestyon ang pagsali sa Comelec bidding
Indra kinuwestyon ang pagsali sa Comelec bidding
Abaya et. al makakasuhan sa double entry ng LRT rehab – solon
Abaya et. al makakasuhan sa double entry ng LRT rehab – solon
2 patay sa bagyong Seniang
2 patay sa bagyong Seniang
Misis kinatay ng kawatan, anak sugatan
Misis kinatay ng kawatan, anak sugatan
Mekaniko dinedo ng welder
Mekaniko dinedo ng welder
Dahil sa biro, lalaki binoga ng kalugar
Dahil sa biro, lalaki binoga ng kalugar
PNP nanawagan vs indiscriminate firing
PNP nanawagan vs indiscriminate firing
Tulong ng barangay, hirit vs illegal firecrackers
Tulong ng barangay, hirit vs illegal firecrackers
AFP tutulong sa paghahanap ng missing plane
AFP tutulong sa paghahanap ng missing plane
Coco Martin, mabubuntis si Kris Aquino
AYON sa manghuhulang si Robert Das, magkakaroon ng anak si Coco Martin kay Kris Aquino. Ginawa ni Das ang pahayag na ito sa isang interbyu niya sa show ni Vice Ganda sa ABS–CBN. Sa pagitan daw ng 2015 at 2016 maaanakan ni Coco si Kris.
Alam naman ng lahat ng taga-showbiz kung gaano ka-close ang aktor at ang magaling TV host kaya hindi imposibleng mangyari iyon. Unang nakarelasyon ni Tetay si Philip Salvador at nagkaanak siya rito, sumunod si former Parañaque Mayor Joey Marquez pero hindi siya nagkaanak dito bagkus binuko niyang nahawa siya ng STD kay Joey na nagdulot nang malaking isyu sa industriya. Na-link din siya noon kina Alvin Patrimonio, Robin Padilla at iba pa.
Sumunod siyang nagkaanak sa basketbolistang si James Yap, ngunit nauwi rin sa hiwalayan at demandahan, at later on nagkabati rin ang dalawa. Ngayon 2015, kay Coco naman natitsismis si Kris. Hindi kaya isang malaking kabiguan na naman ‘yan?
***
Isang partylist representative sa Kamara ang nagbabalak na sumali sa 2016 presidential election kung wala umanong ibang makakalaban sina Vice-President Jejomar Binay at Department of Interior and Local Government Sec. Mar Roxas.
Ayon kay OFW Family partylist Rep. Roy ”Amba” Señeres, Sr., hindi matanggap ng kanyang kalooban na sina Binay at Roxas lamang ang pagpipilian ng mga botante.
Ani Señeres, ayaw niya kay Binay dahil sa mga naungkat na isyu ng korapsyon laban dito habang si Roxas naman ay pasimuno ng contractualization sa bansa.
Noong 2010 pa nagdeklara si Binay, ng United Nationalist Alliance (UNA) na tatakbo sa 2016 presidential election habang si Roxas ng Liberal Party (LP) ay hindi pa nagdedeklara. Puro trabaho muna raw ang ginagawa niya at wala munang politika.
Sinabi naman ni Señeres na marami pa siyang ikinokonsidera bago magdeklarang tatakbo sa pagka-pangulo ng bansa.
“Hindi pa ako makapag-decide, pinag-iisipan ko pa eh,” sabi nito.
***
Last term na si Rep. Art Robes ng Lone District ng San Jose, Del Monte City. Sa next election ay tatakbo siyang Mayor ng nasabing lungsod. Isa sa mga sandata niya para makarating sa city hall ay ang kanyang kakayahan at tuloy-tuloy na serbisyong walang katapusan sa tao. Ganon din si Rida Robes na tatakbo naman bilang Congresswoman.
***
Ang indie film produced ni Boy Pilapil na may titulong Night Swimming ay magkakaroon ng premier night sa Isetan Recto sa January 10.
Kabilang sa cast ng pelikula ay sina Marvin Yap, Kc Miller, Jean Andrew, Samarah Garcia, Brigite Fonda, Nina Rossini, Bobby Lacson, Neil Suarez, Kim Orpiada, Nokie Manuel, JC dela Cruz, Alex Valdez at Bongjon Jose sa direksyon ni Jigz F. Recto.
***
Para mas maging masaya ang inyong Sabado, sabay-sabay nating balikan ang Grand Finals ng Super Sireyna Worldwide!
Tutok na po kayo sa Eat Bulaga, mga Dabarkads! Mula Lunes hanggang Sabado sa GMA 7 lang Po! PALABAN/GARY P. STA. ANA
.. Continue: Remate.ph (source)
Coco Martin, mabubuntis si Kris Aquino
Masinop kaya hindi naghirap…
INAAKALA ni Derek Ramsay na hindi siya ang mananalong Best Actor. Siguro kaya no show siya sa Gabi ng Parangal. Kaya raw hindi siya nakarating sa PICC Planary Hall ay gawa ng pag-aasikaso raw sa kanyang ama na may sakit. Anyway, nagprepara pa rin siya ng kanyang talumpati na nakasulat sa papel at ang kanyang leading lady ng English Only, Please na si Jennylyn Mercado ang bumasa at tumanggap ng award para sa aktor.
Tuwing merong ganitong parangal, hindi rin maiwasan ang magkaroon ng sourgrapings. Kapag merong natatalo sa anomang kategorya, expect na merong nagrereklamo at meron din namang totoo na dinadaya. Flashback tayo noong dekada ’90 nang magkaroon ng dayaan ang Metro Manila Film Festival at ang ipinanalo noong Best actress ay si Rufa Gutierrez. Ang nagbasa yata ay ang kanyang kaibigan na si Viveka Vavadji (hindi ko alam kung korek ang pagka-spell ng pangaln ng beauty queen na ito ng Maurutius) at ang binasa naman ni Gretchen Barretto ay ang pangalan ni Gabby Concepcion.
Anyway, maraming nagsasabi sa mga nakapanood ng English Only, Please na magaling dito si Derek Ramsay at pati na rin ang kanyang leading lady na si Jennylyn Mercado. Ang sinasabi ko rito ay base sa aking nababasa at naririnig hindi ako makapag-comment kasi hindi pa ako nakapanonood ng kahit isa sa mga palabas ng Metro Manila Film Festival. Ganun pa man, binabati ko ang lahat ng mga nanalo.
***
Remember Digna Morena? Ang nag-iisang action star na babae noong dekada ’80 na mula sa pagiging beauty queen ng Leyte, hanggang nag-runner-up sa Press Photography of The Philippines at Miss Lions International. Nang mawala ang mga action movies sabay din sa paglaho ng kanyang pagkabituin dahil ang naging uso ay ang tf films at ‘di niya kayang gawin ito.
Hindi man siya aktibo sa pagiging artista abala siya sa kanyang mga negosyo. Nag-invest siya ng mga lupain sa Antipolo at Taytay Rizal. May ipinatayong building at nagbukas na rin siya ng kanyang bagong restaurant na dinadayo ng mga customers sa sarap nga naman ng mga food nila. Mismong si Digna ang Chef ng kanyang Catalan Grill and Restaurant na hango sa kanyang tunay na apelyido.
Pwede ring mag-order sa kanya ng cake na siya rin ang nag-bake. Pinag-aralan niya ito sa Culinary School. Hindi man siya mag-artista, meron naman siyang income. Tinanong ko rin si Digna kung type din niyang mag-produce ng pelikula. Ang sagot niya sa amim ay tama na raw ang negosyo niyang naipundar at walang kasiguraduhan na kikita ka sa pelikula. Oo nga naman.
Mga malalaking productions ang iba ay dead na! Manibagong Taon sa Ating Lahat. Ciao Bambino! MEMORABILIA/MATUK ASTORGA
.. Continue: Remate.ph (source)
Masinop kaya hindi naghirap…
Nenenerbyos sa pagsasama nila ni Gov. Vilma Santos!
NENERBYOS si Angel Locsin sa pagsasama nila ni Gov. Vilma Santos para sa pang-Mother’s Day offering ng Star Cinema. “Sobrang excited ako, nag-usap na kami ni Inang (director Olivia Lamasan) sa mga characters, nagulat nga siya eh kasi buong-buo ko na raw,” bulalas ni Angel.
“Ano nga eh kinakabahan na ako, pano pa kaya pag makaharap ko na ang isang Vilma Santos tapos nanay pa ng boyfriend ko? Grabe ‘yung kaba talaga,” dagdag pa niya.
Bukod sa pang-Mother’s Day presentation movie, posibleng magkaroon ng cameo role si Gov. Vi sa pelikulang “Darna” na gagawin din ni Angel.
“Ako umaasa ako kasi nabasa ko ‘yung interview niya na if ever nga raw na magawa namin ‘yung Darna willing siya mag-cameo.
“Di ba napakalaking bagay? Kasi siya naman talaga ‘yung Darna tapos makasama ko pa siya sa Darna, siguro napaka-surreal ng pakiramdam,” sey pa niya.
Talbog!
-0o0-
Mukhang seryosohan na ang relasyon nina Tom Rodriguez at Carla Abellana kahit wala pang pormal na pag-amin. Tahasan naman ng sinabi ni Tom na special ang nararamdaman niya kay Carla. Habang tumatagal ay lalong tumitibay at maayos ang sitwasyon nilang dalawa. Nakuha na ni Tom ‘yung gusto niya kay Carla na nandiyan palagi sa tabi niya, ‘yung friendship at suporta.
“Wala nga akong ibang mas or nararamdaman na ganito ka-espesyal na relationship, sa kanya lang,” deklara ni Tom.
Bongga!
-0o0-
Napansin ng movie press nang dumalo si Meg Imperial sa Christmas Party ng isang publication sa National Press Club na maganda pala ang boses niya at magaling kumanta.
May post nga noon si Meg sa kanyang Facebook Account na: “Sabi ni Tito Vehnee S. Karirin ko na daw ang singing. Hahaha! teka ma-ipush nga! thank you Ms. Ladine for being so patient to me. Mwah”
Dapat talagang bigyan ng Viva ng album si Meg dahil may ibubuga sa pagkanta.
Anyway, maganda ang pasok ng 2015 kay Meg dahil siya ang bagong Calendar Girl 2015 ng White Castle. May movie rin siyang ginagawa sa Star Cinema entitled “Ex with Benefits” with Coleen Garcia at Sam Milby.
Pak!!!
-0o0-
Kahit si Senator Tito Sotto ay pabor kung papasok sa politics si Sharon Cuneta.
Panahon na raw para bumalik sa Pasay ang mga Cuneta na kung saan ang ama ng megatar ang pinakamahabang nagserbisyo bilang alkalde.
‘Yun na! XPOSED/ROLDAN CASTRO
.. Continue: Remate.ph (source)
Nenenerbyos sa pagsasama nila ni Gov. Vilma Santos!
Patuloy na nilalait dahil sa face of the night eklaboom!
HAHAHAHAHAHAHAHAHA! My hunch was right after all. Talagang K-less na manalong face of the night si Nadine Lustre lalo na’t hindi naman remarkable ang itzu niya nu’ng MMFF awards night. Hahahahahaha!
No offense meant sa kanya but it was Meg Imperial who really looked stunning that evening and every bit a movie star. Hahahahahahahaha!
Okay naman sana si Nadine but her face was not meticulously made-up just like in one of the commercials that she did a couple of months ago. E, hindi naman talaga siya kagandahan, she needs to exert tremendous amount of effort just to look good on cam. Hahahahahahahahahaha!
Also, something should really be done with her nose. Sa panahon ngayon, hindi na big deal ang magpaayos ng ilong lalo na’t isa kang promising young actress tulad ni Nadine.
Walang halong panglalait, okay naman si Nadine. ‘Yun nga lang, she still wants of sophistication that will ultimately come when she’s moneyed already and capable of availing of the expensive, sophisticated outfits that would make her personality bloom and look classy and expensive.
As things stand, dahil siguro sa may ‘career’ na, ang laki ng ipinagbago ng personalidad ni Meg Imperial. No wonder, endorsements are now knocking feverishly on her door.
Dapat lang! After all, ang laki na nang ipinagbago ng kanyang personalidad as compared to when she was but starting in the business.
Also, she’s now particular about the way she looks on cam and is perpetually on a diet.
Kung noon ay anything goes lang ang kanyang diet, these days she’s into less fat diet and more on fruits and veggies. No wonder, she looks a lot slimmer than before and is a lot lovelier as compared to when she was still doing Moon of Desire.
And speaking of Moon of Desire, a lot people are wondering whatever has happened to the promise that Ellen Adarna has shown when she was still doing that afternoon thriller.
That time talaga, her name was practically hot and so was the impression that she had generated in public. Hindi nga ba’t kaliwa’t kanang endorsements ang nagawa niya at naging image model pa siya ng Bench?
But as things stand, parang ‘di na siya uso at bihira na siyang masulat at kahit sa social media man ay hindi na rin siya gaanong hot copy.
Why is that so?
Flash in the pan lang ba ang kanyang popularity at tipong nabantilawan na agad-agad?
Well, baka naman we are becoming too harsh and judgmental. For all we know, she must be doing another soap but it’s too premature to be talking about it since it’s not yet in the can as of the moment.
I truly hope so. Sayang naman ang promise na nakita sa kanya kung magiging ganon na lang ang ending ng kanyang promising pa naman sanang showbiz career.
HINDI MA-TAKE NA PINAGLUMAAN NA SIYA
Pity nanan for this kind of mature actress who still can’t accept the fact that the roles she’s being asked to do or delineate are mother roles. Dati nga naman, mga lead roles ang ini-o-offer sa kanya at in fairness, blockbuster naman ang karamihan sa mga pelikulang kanyang nagawa noon.
Ang kaso, she decided to let go of her burgeoning showbiz career and settle down abroad where she stayed for quite sometime. Ang tragedy, nang magkahiwalay sila ng kanyang asawa at magdesisyon siyang balikan ang show business, ang mga roles na noo’y kanyang bailiwick ay inio-offer na sa iba.
At first, she was appalled when she was asked to do the highly-demeaning mother roles but she’s got no choice but to accept them.
Lately, paborito siyang pag-usapan sa network na kanyang pinagtatrabahuhan dahil sa kanyang amusing attitude. Hahahahahahahahaha!
Kung sila nga naman ay chika-chika in between takes, ang leading-lady natin ay talaga namang parang lehitimong prima donna na nagkukulong sa kanyang dressing room. Hahahahahahahahahaha!
Anyway, we understand where this aging actress is coming from. Ganyan talaga ang mga dating sikat na biglang nalaos at nawalan ng career.
Kumbaga, in denial sila.
Que pobrecita! Hahahahahahahaha!
‘Yun nah!
***
Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.
And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong! DAPAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO, JR.
.. Continue: Remate.ph (source)
Patuloy na nilalait dahil sa face of the night eklaboom!
‘Oplan Iwas-Paputok’ ng BFP umarangkada na
UMARANGKADA na ang kampanya ng Bureau of Fire Protection (BFP) kontra paputok bilang pagtalima sa kautusan ni Dept. Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas para tiyakin na ligtas sa sunog ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Kasabay nito, iinspeksyunin ng BFP ang mga pagawaan at tindahan ng paputok sa capital firecracker ng bansa sa Bocaue, Bulacan.
Ayon kay BFP officer-in-charge Chief Supt. Ariel Barayuga, iinspeksyunin nila ang mga firecrackers at pyrotechnics establishment bilang bahagi ng proyekto ng BFP na “Oplan Paalala 2014: Iwas-Paputok, Sakuna at Sunog.
Sinabi ni Barayuga na ang BFP Central Office kasama ang BFP-Region 3 sa pakikipagtulungan ng PNP, kukumpiskahin ang mga iligal na paputok upang hindi na ito maibenta pa at hindi na mapasakamay ng publiko.
Sinabi pa ng hepe ng BFP Na ang mga tambakan ng paputok na may sobrang imbak ng paputok ay hihilingan na bawasan ang mga produkto ng paputok upang maiwasan ang aksidente. Kabilang din sa sisiyasatin ang mga tindahan ng paputok upang matiyak na ang bawat tindahan ay may apat na fire extinguishers handa sa oras ng sunog at isang drum ng tubig at kalahating sako ng buhangin na magagamit sa sandali ng sunog.
“Maayos naman po ang inspeksyon generally pero ang problema, mayroon pong ibang establisyemento na pakatapos ng unang inspeksyon ng ating mga tao ay saka na inilalagay ang mga imported at iligal na mga paputok na atin pong ipinagbabawal. Isa na rin po ang pagpapabawas natin ng ibang mga paninda sa ilang tindahan kasi dapat po may hangin pa rin na mag-circulate sa loob upang maiwasan ang pamumuo ng mainit na hangin na maaaring magdulot ng sunog,” ani ni Barayuga.
Sinabi pa ni Barayuga na kung ‘di maiiwasan ang paggamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon, pinaalalahanan nito ang publiko na bumili lamang ng paputok sa mga regulated na tindahan ng paputok. SANTI CELARIO
.. Continue: Remate.ph (source)
‘Oplan Iwas-Paputok’ ng BFP umarangkada na
BuCor director Bucayu, pinagpapahinga muna
PINAGBABAKASYON muna ng ilang kongresista si Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Bucayo.
Panawagan ni 1-BAP Rep. Silvestre Bello III kay Bucayo na makabubuting mag-leave muna ito habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigations (NBI).
Ito’y kaugnay sa natuklasang drug operations at marangyang pamumuhay ng ilang druglords sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Kung magli-leave aniya ang director ay makatutulong upang
matiyak na malinis sa anomang impluwensya nito ang magiging findings ng NBI.
Kahit patuloy ang pagdami ng mga nananawagan kay Bucayu na mag-leave ay suportado pa rin ito ni Justice Secretary Leila de Lima.
Ang panawagan naman ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares kay Pangulong Aquino na itigil na ang pagtatalaga ng mga retireadong opisyal ng militar sa alinmang posisyon sa BuCor.
Bagama’t aminado ang kongresista na hindi niya personal na kilala si Bucayu ay sinabi nitong lantad naman aniya na mga tiwali at palpak ang mga retiradong heneral ng AFP at PNP kaya hindi dapat maglingkod sa penal system ng bansa.
Hindi aniya nababagay ang mga ito na mangasiwa sa mga bilangguan dahil hindi sila bihasa sa tinatawag na restorative justice at rehabilitasyon ng mga bilanggo. MELIZA MALUNTAG
.. Continue: Remate.ph (source)
BuCor director Bucayu, pinagpapahinga muna
Ilang domestic flights, kanselado sa masamang panahon
UMABOT sa 32 domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kinasela kahapon sanhi sa masamang panahon, ayon Manila International Airport Authority (MIAA).
Batay sa MIAA Media Affairs Division, kabilang sa mga kanseladong flights ay 18 Cebu Pacific Air flights – 5J381 (Manila-Cagayan), 5J382 (Cagayan-Manila), 5J785 (Manila-Butuan), 5J786 (Butuan-Manila), 5J397 (Manila-Cagayan), 5J398 (Cagayan-Manila), 5J625 (Manila-Dumaguete), 5J626 (Dumaguete-Manila), 5J383 (Manila-Cagayan) 5J384 (Cagayan-Manila), 5J787 (Manila-Butuan), 5J788 (Butuan-Manila), 5J385 (Manila-Cagayan), 5J386 (Cagayan-Manila), 5J389 (Manila-Cagayan), 5J390 (Cagayan-Manila).
Kanselado rin ang siyam na AirPhil Express flights 2P2693 (Manila-Butuan), 2P2694 (Butuan-Manila), 2P2521 (Manila-Cagayan), 2P2522 (Cagayan-Manila), 2P2527 (Manila-Cagayan), 2P2528 (Cagayan-Manila), 2P2095 (Manila-Surigao), 2P2096 (Surigao-Manila), at 2P2526 (Cagayan-Manila).
Kasama rin sa naapektuhan ng masamang panahon ang tatlong Philippine Airlines flights – PR2967 (Manila-Butuan), PR2698 (Butuan-Manila), PR1520 (Cagayan-Manila).
Kanselado rin ang dalawang Tiger Air flights – DG7804 (Manila-Cagayan), at DG7805 (Cagayan-Manila). BENNY ANTIPORDA
.. Continue: Remate.ph (source)
Ilang domestic flights, kanselado sa masamang panahon
Adik nagbigti sa depresyon
NAGPATIWAKAL sa pamamagitan ng pagbigti ang isang umano’y adik na lalaki nang makaramdam ito ng depresyon nang masobrahan ito sa paggamit ng droga sa Navotas City kahapon ng umaga, Disyembre 27.
Natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay sanhi ng matagal na pagkakabigti ay nakilalang si Reginio Sebastian, 29, ng Tulay 7, Bgy. Daanghari ng nasabing lungsod.
Base sa imbestigasyon ni PO3 Jeffrey Montero, dakong 9:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakabigti ng nylon cord sa loob ng kanilang bahay.
Natuklasan ang bangkay ng biktima ng kapatid nitong si Marcial Sebastian na agad na tumawag sa himpilan ng pulisya upang ipaalam ang pangyayari at maimbestigahan ng mga awtoridad.
Lumalabas sa imbestigasyon ni PO3 Montero nasobrahan sa paggamit ng droga ang biktima kaya nakaramdam umano ito ng depresyon dahilan para magbigti.
Hanggang sa kasalukuyan naman ay patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima. ROGER PANIZAL
.. Continue: Remate.ph (source)
Adik nagbigti sa depresyon
So mainit sa North American Open
KINALDAG ni super GM Wesley So si American GM Sergey Erenburg upang itarak ng Pinoy ang malinis na five points sa fifth round ng North American Open 2014 Open Section sa USA kaninang umaga.
Kinalos ni top seed So, (elo 2762) si Erenburg (elo 2601) sa 49 moves ng French Defense upang masolo nito ang liderato papasok ng round six.
Makakataktakan ng isip ni So sa susunod na laro si GM Jianchao Zhou (elo 2587) ng China sa event na ipinatutupad ang nine-rounds swiss system.
May nalikom na 4.5 points si Zhou matapos nitong kaldagin si GM Vladimir Georgiev (elo 2517) ng Macedonia.
Kaagaw si Zhou sa second to third place si GM Julio Bederra (elo 2546) ng Florida, USA.
Bukod kay Erenburg ang ibang biniktima ni world No. 10 player So ay sina FM Ali Morshedi (elo 2266), IM John Daniel Bryant (elo 2367) na mga taga-California, IM Roman Yankovsky (elo 2436) ng Russia at super GM din na si Timur Gareyev (elo 2621) ng host country sa rounds 1, 2, 3 at 4 ayon sa pagkakahilera.
Sina Pinoy US-based woodpushers GM Enrico Sevillano at IM Ricardo De Guzman ay magkasalo sa eighth to 21st place hawak ang tig-3.5 points.
Matapos ang tatlong sunod na draw sa rounds 2, 3 at 4, pinagpag ni Sevillano (elo 2465) si FM Eugene Yanayt sa round five habang nauwi sa draw ang laban ni De Guzman kay IM Chen Wang (elo 2473) ng China.
Inabot lang ng 25 sulungan ng Sicilian bago tinagpas ni Sevillano si Yanayt habang 59 moves ng Torre Attack ang labanan nina De Guzman at Wang.
Kaharap nina Sevillano at De Guzman sa sixth round sina FM Atulya Shetty at Erenburg ayon sa pagkakasunod.
Samantala, umalagwa ang live rating ni So sa 2769 kaya naman kapag nagpatuloy ang pamamayagpag nito ay may posibilidad na malampasan niya sa pang siyam sa World si GM Hikaru Nakamura na may 2777.1 elo rating. ELECH DAWA
.. Continue: Remate.ph (source)
So mainit sa North American Open
Na-stroke, kinatay ng kapatid na may sayad
PINAGTATAGA ng isang may diperensya sa pag-iisip ang kanyang kapatid na nakaratay sa higaaan sanhi ng mild stroke sa Quezon nitong Linggo ng gabi (Disyembre 28).
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong taga sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si German Flores, 48.
Nahuli naman agad at sasampahan ng kaukulang kaso ng pulisya ang suspek na si William, 42, na sinasabing may mental disorder.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 11:45 nitong Linggo ng gabi sa mismong kuwarto ng biktima sa Bgy. Ilayang Owain, Sampaloc, Quezon.
Bago ito, nagkaroon na mild stroke kamakailan ang biktima kaya naratay ito sa kanyang higaan at binabantayan ng suspek.
Pero sa hindi malamang dahilan, biglang kinuha ng suspek ang kanilang itak sa kusina saka pinagtataga ang kanyang may sakit na kapatid.
Hindi pa nakontento, kinaladkad pa ng suspek ang bangkay ng kanyang kapatid at itinapon sa cockpit arena na malapit lamang sa kanilang bahay. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
Na-stroke, kinatay ng kapatid na may sayad
Eskandalosa, arestado sa shabu
ARESTADO ang isang babae matapos mabuking nang magsisigaw at mahulihan ng shabu sa isinagawang anti-criminality campaign ng Motorized Anti-Street Crimes Opretaives (MASCO), Malate Police Station (PS-9) kagabi.
Nakapiit na ngayon sa MPD-PS 9 ang suspek na si Maria Ruby Cruz, alyas Maru, 54, walang asawa, vendor, ng # 1927 Ma. Orosa St., Malate, Maynila.
Sa ulat, alas-7:30 ng gabi ng arestuhin nina PO1 Daniel Grospe at PO1 Jose Asaytuno, Jr., si Cruz sa kahabaan ng San Andres kanto ng Ma. Orosa St.
Nauna rito, nagsasagawa ng anti-criminality campaign ang nasabing mga pulis nang maispatan ang suspek na nagsisigaw at nagmumura ng “mga walanghiya kayo magbayad kayo ng utang nyo, ang kapal ng mukha n’yo”.
Dahil nakakabulahaw ay nilapitan ito nina Grospe at Asaytuno kung saan nagpakilala silang mga pulis para pigilan sa nagwawalang suspek.
Dito na umano napansin ng mga pulis na tila may itinatago ang suspek sa kanyang kamay.
Nang tingnan ang hawak ng suspek ay nakita ang isang plastic sachet ng shabu.
Dahil dito, agad na binitbit ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa tamang disposisyon. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
Eskandalosa, arestado sa shabu
Hirit ni Joma dinedma, peace talks, muna – Malakanyang
KAILANGAN munang may mangyari sa peace talks sa pagitan ng pamahalaan at komunistang grupong CPP-NPA-NDF bago pa mapagtuunan ng pansin ang hirit ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chair Jose Maria Sison na palayain ang mag-asawang Tiamzon.
Ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon ay inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police personnel sa Bgy. Zaragoza sa Aloguinsan, Cebu noong nakaraang Marso dahil sa kasong kriminal na ipinagharap laban sa mga ito.
“There are two things: number one, Mr. Benito Tiamzon is right now being held for a number…I am not sure if one case or a number of cases. So, there is a pending criminal case before or against Mr. Tiamzon. Number two, we have…Again, our emphasis is always — walang preconditions when it comes to talks. We have said that before. We have said that — we’ve always said that when we come to talks with either party — NDF (National Democratic Front) or MILF (Moro Islamic Liberation Front) — there are no preconditions with the talks,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.
At gaya aniya ng palaging sinasabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Quintos Deles na: “What we want to do first?” “Let’s have a talk.” “Let’s resume the talk first and let’s make sure the talks are doable and time-bound so that we will avoid the experience of the past.”
“So, let’s see first if we can resume the talks and then let’s make sure the talks are doable and time-bound before we discuss anything else,” pahayag ng opisyal.
Samantala, wala pa ring official word mula kay Pangulong Aquino hinggil sa posibilidad na pag-resume ng usapan sa pagitan ng dalawang panig. KRIS JOSE
.. Continue: Remate.ph (source)
Hirit ni Joma dinedma, peace talks, muna – Malakanyang
Pagkamatay ng MCJ detainee, masusing iniimbestigahan
MASUSING iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang pagkamatay ng isang Manila City Jail detainee na unang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC).
Sa ulat ng MPD-Homicide Section, hindi umano nai-report agad sa kanilang tanggapan ang nangyari sa inmate na si Alias Willyhado Gueta, edad 50-55.
Partikular na iniimbestigahan ng pulisya kung bakit hindi umano ang mga jailguard ang nagdala sa biktima sa ospital at pinasamahan lamang sa isang babae na kalaunan ay biglang naglaho nang iinterviewhin ito ng hospital staff.
“Kung hindi siya detainee, bakit siya nakasuot ng t-shirt na MCJ detainee. At bakit naman biglang naglaho ‘yung babae kung galing ito sa bahay nila at kapatid nga siya ng biktima” pagtataka ni Vallejo.
Sa pagsisiyasat ni SPO3 Glenzor Vallejo, nagpakilala umanong kapatid ng biktima ang naturang babae nang isinugod nito sa emergency room ng ospital noong Disyembre 25 ng madaling-araw.
Dahil dito, inaalam ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima at kung may kapabayaaan ang naturang pamunuan ng bilanggunan. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
Pagkamatay ng MCJ detainee, masusing iniimbestigahan
PAPUTOK AT USOK, MAPANGANIB SA KALUSUGAN AT BUHAY NG TAO
MALAPIT-LAPIT na tayong mamaalam sa taong 2014, pero kaakibat sa ginagawang tradisyon ng mga Pilipino ay ang paggamit ng “firecracker”. Kaya, naghahanda na ang mga bumbero ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga inaasahang magaganap na sunog sa Kamaynilaan.
Nanawagan na si BFP District Fire Marshal Superintendent (CESE) Jesus P. Fernandez sa mga residente na ingatan ang pagtatapon ng sigarilyo sa kung saan-saan.
Napag-alamang sigarilyo at paputok ang sanhi ng pagkasunog ng isang bodega ng papel sa Novaliches noong isang linggo, at bodegang naglalaman ng mga TV show props sa Quezon City rin.
Maagang nagbigay ng babala ang Department of Health (DOH) laban sa masamang epekto ng paggamit ng paputok. Ang kampanyang iwas-paputok ngayong taon ay may temang “Mahalaga ang buhay, iwasan ang paputok.”
Umaasa rin si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon J.P. Paje, na mas marami pang mga pamahalaang lokal (LGUs) ang tumutulong sa pagbabawal sa paggamit ng paputok.
Ipinamalita ni DENR Kalihim Paje sa pagkilos ng anim na siyudad at isang bayan sa pagpapatupad ng isang ordinansa na sinang-ayunan at nanindigang ang mga alkalde na ipagbawal na ang paggamit ng paputok sa kani-kanilang lungsod sa pagsalubong sa bagong taon 2015.
Base sa talaan ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang lungsod ng Davao, Baguio, Muntinlupa, Zamboanga, Olongapo, Kidapawan at bayan ng Pateros, ay nagpatupad na ng Firecracker Ban.
Hinihiling ni Dr James G. Dy, Pangulo ng Chinese General Hospital & Medical Center sa mga magulang, “ipagbawal ang paggamit ng paputok dahil nakalalason ang usok sa mga bata bukod sa maaaring makasira sa mata at tenga. Ang usok ng paputok, ay maaaring makasama sa mga matatanda, dahil maaaring tumaas ang kanilang alta presyon. Maaaring sa mga pasyente may kanser, hika at sakit sa baga.” ANG INYONG LINGKOD/DR. HILDA ONG
.. Continue: Remate.ph (source)
PAPUTOK AT USOK, MAPANGANIB SA KALUSUGAN AT BUHAY NG TAO
Sunday, December 28, 2014
Bagyong Seniang, tinatahak ang Agusan del Norte
NANANATILI sa kanyang lakas ang bagyong Seniang habang tinatahak ang direksyon ng Agusan del Norte kaninang umaga, Disyembre 29, 2014.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical ang Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan ang mata ng bagyo sa layong 33 kilometro ng hilagang-silangan ng Butuan City o 30 kilometro ng silangan ng Cabadbaran City dakong 10:00 ng umaga.
Si Seniang ay may lakas ng hangin na 65 kilometro bawat oras (kph) at bugso ng hangin na 80 kph.
Kumikilos si Seniang pa-kanluran hilagang-kanluran sa biis na 11 kph.
Nakataas ang public storm signal no. 2 sa mga lalawigan ng Bohol, Siquijor, Southern Cebu, Negros Oriental, Southern part ng Negros Occidental, Surigao del Norte, Siargao Island, Agusan del Norte, Misamis Oriental, Camiguin, Agusan del Sur.
Nakataas naman ang signal no. 1 sa mga lalawigan Leyte, Southern
Leyte, Camotes Island, Rest of Cebu, Rest of Negros Occidental, Guimaras, Northern part ng Davao Oriental, Davao del Norte, Bukidnon, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Misamis Occidental, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Compostella Valley, Dinagat Province. SANTI CELARIO
.. Continue: Remate.ph (source)
Bagyong Seniang, tinatahak ang Agusan del Norte
Kolehiyala, patay sa lihim na karelasyon
PATAY ang isang 19-anyos na babae nang pagsasaksakin ng kanyang lihim na karelasyon kaninang umaga sa Sta. Mesa, Maynila.
Namatay habang ginagamot sa UERMM hospital ang biktimang si Jackie Bugay, estudyante at residente ng #26 Gladiola Mall Greenville, Condominium, Sta.Mesa, Maynila.
Naka-confine naman sa nasabi ding ospital ang suspek na si Joseph Espiritu, 32, may-asawa, call center agent, ng # 064 P. Alcantara St., Bgy. VII-B, San Pablo City, Laguna.
Ayon kay P/Insp. Steve Javier Casimiro, hepe ng MPD-Homicide Section, may lihim umanong relasyon ang dalawa na umabot ng pitong buwan.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Christian Caparas, alas-9:00 nang maganap ang insidente sa loob ng bahay na tinutuluyan ng biktima na umano’y pag-aari ng kanyang bayaw.
Sinabi naman ng kasambahay na si Recil Ramos, bago ito namalengke pasado alas-5:00 ng umaga ay nakita pa nitong magkatabing natutulog ang dalawa sa sala ng bahay sa unang palapag.
Pagbalik nito alas-8:30 ng umaga, narinig na lamang niyang sumisigaw ang biktima na tila sinasaktan ng suspek.
Sinubukan umano nitong buksan ang harapang pintuan ng bahay ngunit hindi mabuksan kaya humingi na lang ito ng saklolo sa sekyung naka-duty sa condo.
Sa tulong ni SG Bryan Espino Reyes at nang kapitbahy na si Nestor Morris Dantes ay pinasok nila ang bahay kung saan pintuan sa likurang bahagi ng bahay sila nakapasok.
Dito na bumungad sa kanila ang biktima na nakahandusay sa hallway ng ikalawang palapag ng bahay katabi ang noo’y nagising na kapatid na si Kim Charles.
Agad na isinugod ang biktima sa nasabing ospital gayundin ang suspek na naglaslas naman sa kanyang leeg ngunit namatay din ang biktima habang nilalapatan ng lunas.
Napag-alaman ding nakikipaghiwalay na umano ang biktima sa suspek dahil may petisyon ito mula sa kanyang ina at nakatakda nang umalis patungong abroad bukod pa sa may asawa umano ang kanyang karelasyong suspek.
Ito umano ang hinihinalang dahilan ng pananaksak at pagpatay ng suspek sa biktima.
Sasampahan ng kasong murder ang suspek sa Manila City Prosecutors Office. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
Kolehiyala, patay sa lihim na karelasyon
AirAsia plane, posible sa kailaliman ng dagat – search and rescue team
MALAKI umano ang posibilidad na nasa kailaliman na ng Java Sea ang nawawalang AirAsia Flight QZ 8501.
Ayon kay Indonesian National Search and Rescue Agency chief Bambang Soelistyo, konklusyon nila ito batay sa ibinigay na coordinates.
Gayunman, posible pa umanong magkaroon ng mga development habang patuloy ang pag-aaral sa mga data.
Magiging malaking pagsubok ito kung sakaling nasa ilalim na ng dagat ang naturang eroplano dahil walang na-transmit na emergency signal ang eroplano matapos itong mawala sa radar kaya hindi matukoy ang eksaktong lokasyon nito.
Pinalawak ng mga rescuers ang search area sa karagatan na nasa pagitan ng Bangka at Kalimantan Island.
Umaasa ang Indonesia na matagpuan sa lalong madaling panahon ang A320-200 plane na may lulang 162 katao.
Ang eroplano ay nawala habang patungo ito ng Singapore mula sa Indonesia na pinaniniwalaang nawalan ng kontrol dahil sa masamang panahon.
Bago nawalan ng contact ang eroplano sa radar, hiniling ng piloto na mula sa 6,000 ft. ay umakyat ito sa 38,000 ft. dahil sa matinding kaulapan ayon sa Indonesian transport ministry.
Pinayagan din ang request ng piloto na lumipad sa kaliwang bahagi dahil sa masamang panahon.
Mula sa 38,000 ft., hiniling ng piloto na bumaba ito sa 32,000 ft. ngunit hindi na napayagan ang hiling na ito ng Flight QZ8501 dahil sa air traffic noong panahong iyon at makalipas ang limang minuto, nawala na sa radar ang AirAsia plane.
Tumutulong na rin ngayon sa paghahanap ang mga bansang Singapore, Malaysia, Australia at South Korea na nagpadala ng mga barko at eroplano.
Samantala, nitong umaga ay humarap sa pamilya ng mga biktima sa Surabaya airport sa Indonesia ang mga opisyal ng AirAsia at Indonesia upang magbigay update sa search operation.
Lulan ng eroplano ang may 155 Indonesians, tatlong South Koreans, tig-isa mula sa Singapore, Malaysia, Britain at France.
Hanggang ngayon ay shocked pa rin ang mga kamag-anak habang ang ilan ay umiiyak at nagsasagawa ng vigil habang naghihintay sa paliparan.
Ito na ang pangatlong trahedya sa airline companies ng Malaysia ngayong taon. GILBERT MENDIOLA
.. Continue: Remate.ph (source)
AirAsia plane, posible sa kailaliman ng dagat – search and rescue team
Mga bata, pinaiiwas sa paggamit ng ‘piccolo’
DAHIL madalas mapagkamalang kendi ng mga bata ang piccolo, nagpalabas ng mga tips ang Department of Health (DOH) para maprotektahan ang mga bata laban sa piccolo poisoning.
Kaugnay nito, mahigpit na pinayuhan ng DOH ang mga magulang na tiyaking mailalayo ang mga bata laban sa naturang ipinagbabawal na paputok.
Babala ng DOH, ang piccolo ay nagtataglay ng yellow phosphorus, na maaaring maging sanhi ng kamatayan kung makakalunok ng mula 50 hanggang 100 mg nito.
“Piccolo is very poisonous because it contains the substance yellow phosphorus. The estimated human lethal dose is 50 to 100 milligrams,” anang advisory ng DOH.
Kabilang sa senyales at sintomas ng posibleng piccolo poisoning ay burns at pagsusuka.
Sakali naman umanong makumpirmang nakalunok ng piccolo ang isang indibidwal ay dapat na bigyan ang bata ng anim hanggang walong hilaw na puti ng itlog habang walo hanggang 12 puti naman ng itlog para sa mga matatanda.
Sakali naman umanong tamaan o malagyan ng piccolo sa mata, ay kaagad na hugasan ito ng tubig sa loob ng 15 minuto. Panatilihing bukas ang talukap ng mata.
Kung maapektuhan naman sa balat ay hugasan ng mabuti ang apektadong lugar, alisin ang kontaminadong damit at tiyaking nalabhan ito ng maayos bago muling gamitin.
Kung nakasinghot ng piccolo, hayaang makalanghap ng sariwang hangin ang pasyente at panatilihin siyang kumportable.
Sa lahat ng pagkakataon, tiyaking matapos na mabigyan ng first aid ang mga pasyente ay agad na kumonsulta sa doktor o pagamutan upang mabigyan ang mga ito ng kaukulang lunas.
Samantala, iniulat ni acting Health Secretary Janette Garin, na pumalo na sa 130 ang naitala nilang fireworks-related injuries simula Disyembre 21 hanggang Disyembre 28. MACS BORJA
.. Continue: Remate.ph (source)
Mga bata, pinaiiwas sa paggamit ng ‘piccolo’
Maguindanao, niyanig ng malakas na pagsabog
NIYANIG ng malakas na pagsabog ang lalawigan ng Maguindanao alas-8:15 ng umaga kanina, Disyembre 29.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Public Affairs chief Captain Joan Petinglay, sumabog ang bomba sa Sitio Bagong Barangay Timbangan, Shariff Aguak, Maguindanao.
Maswerteng walang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa mga residente.
Hindi pa matiyak kung anong klaseng bomba ang pinasabog sa gilid ng kalsada dahil walang nakitang shrapnel ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) Team ng Philippine Army.
Ngunit marami ang naniniwala na posibleng kagagawan naman ito ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) para takutin ang taongbayan.
Agad namang pinabulaanan ni Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) Spokesman Abu Misry Mama ang pangyayari at wala raw silang kinalaman sa pagsabog.
Sa ngayon ay naghigpit pa ng seguridad ang militar at pulisya sa lalawigan ng Maguindanao at North Cotabato laban sa mga armed lawless group. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
Maguindanao, niyanig ng malakas na pagsabog
Mahigit P1M cash at kagamitan, nanakaw sa hotel sa Baguio
HALOS nasa P1-milyon ang kabuuang halaga ng mga kagamitan at cash ang tinangay ng mga magnanakaw mula sa apat na silid na tinutuluyan ng mga turista sa isang hotel sa Gibraltar sa lungsod ng Baguio.
Napag-alamang aabot sa higit na 300 USD, P500,000 cash at mga kagamitang nagkakahalaga ng higit sa P600,000 ang natangay.
Nakilala ang mga biktima na sina Rosa Padyernos, 70, at asawa nitong si Emmanuel Padyernos ng Las Piñas City; Benjamin Villaseñor, 72; Verginia Pimentel Villaseñor, 74; Maria Rhoda Villaseñor, 44, na pawang mga residente ng Bacoor, Cavite; James Chua, 66; Elena Chua at si Natali Co na mula sa San Juan City at Quezon City.
Batay Sa imbestigasyon, umakyat ang mga hindi nakikilalang suspek sa bakod sa likod ng hotel at dumaan ang mga ito sa terrace bago sila pumasok sa mga naturang silid.
Napag-alaman pa na may sira ang mga sliding glass doors at walang guwardiya sa likod ng naturang hotel. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
Mahigit P1M cash at kagamitan, nanakaw sa hotel sa Baguio
Australia, tumulong na sa paghahanap ng AirAsia
TUMULONG na ang Australia sa paghahanap sa AirAsia flight QZ8501 na nawalan ng kontak sa air traffic control habang tumatahak sa Java Sea.
Matatandaang patungong Singapore ang AirAsia nang hilingin ng pilotong magpalit ng flight plan dahil sa masamang lagay ng panahon.
Ipinadala ng Australian Defence Force ang Royal Australian Air Force AP-3C Orion Maritime Patrol Aircraft upang tulungan ang search-and-recue team para sa nawawalang AirAsia flight 8501.
Ang search team ay pinangungunahan ng Singapore.
Ani Australian Air Chief Marshal Binskin, ang RAAF AP-3C Orion aircraft na may kapasidad sa search and rescue ay kaya ring magsagawa ng maritime search radar na may infrared at electro-optical sensors.
Kasama umano nito ang mga highly-trained crew members na magsasagawa ng search ops.
Ilang barko na ang naghanap sa lugar kung saan pinaniniwalaang bumagsak ang eroplano, malapit sa Belitung Island, dakong 6:49 a.m.
Ayon sa spokeswoman ng Indonesian National Search and Rescue Agency na si Annisa Noviantri, napilitan silang ihinto ang paghahanap dahil madilim na at masama pa ang panahon, dakong 5:30 p.m. noong Linggo.
Ang Flight QZ8501, Airbus A320-200 ay nawalan ng kontak sa air traffic control sa Jakarta dakong 6:17 a.m., Linggo, malapit sa Belitung Island, Indonesia, matapos silang umalis sa Surabaya.
Ayon kay Indonesian Air Transport Director Djoko Murjatmodjo, 161 katao ang sakay ng eroplano na naka-iskedyul na lumapag sa Singapore dakong 7:57 a.m.
Nagpahayag naman ng pagkalungkot sa AirAsia Indonesia CEO Sunu Widyatmoko at nangakong iimbestigahan ang tunay na dahilan ng aksidente.
Prayoridad umano nilang magbigay ng impormasyon sa latest developments ng search ang rescue team. NENET L. VILLAFANIA
.. Continue: Remate.ph (source)
Australia, tumulong na sa paghahanap ng AirAsia
Stranded sa bagyong Seniang, halos 8,000 na
DAHIL sa sama ng panahon dulot ng bagyong Seniang, umabot na sa halos 8,000 ang na-stranded na pasahero at sasakyang-pandagat sa mga pantalan hanggang ngayong, Disyembre 29.
Sa huling tala ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 7,952 katao na ngayon ang stranded kabilang na ang 91 vessels, 26 na motor bancas at 239 na rolling cargo.
Ito’y matapos itaas ng PAGASA sa tropical storm category mula sa tropical depression ang bagyong Seniang.
Nanatili ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph ang bagyo na ngayon ay nananalasa sa bahagi ng Surigao del Sur matapos mag-landfall kanina sa Hinatuan.
Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 11 kph.
Nakataas ngayon ang signal no. 2 sa Bohol, Siquijor, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Siargao Island, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Misamis Oriental at Camiguin.
Habang nasa signal no. 1 naman sa Leyte, Southern Leyte, Camotes Island, Cebu, Negros Oriental, Negros Occidental, Dinagat Province, Compostela Valley, northern part of Davao Oriental, Davao del Norte, Bukidnon, Lanao del Norte, Misamis Occidental at Zamboanga del Norte. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)