NILINAW ng kampo ni Cedric Lee, ang negosyanteng inaakusahan ng pambubugbog, na hindi totoo ang mga ulat na sinadya nilang pinsalain ang maselang bahagi ng katawan ni Vhong Navarro.
Iginiit ng abogado ni Cedric Lee, na hindi totoo na “pinitpit” nila ito ng baril o anumang matigas na bagay.
Ayon kay Atty. Howard Calleja, ang ginawa lamang ng kanyang kliyente ay pagtatanggol sa isang babaeng inaabuso ng aktor.
Sa hiwalay na impormasyon naman mula sa kampo ni Vhong, sinasabi ng mga doktor na hindi nagkaroon ng malaking pinsala sa lower extremities nito at ang matinding pinsala ay nasa mukha, lalo na sa parte ng ilong.
Una nang kumalat sa social networking sites ang mga impormasyong napinsala na ang pagkalalake ng TV host.
Sa mga nakaraang pagsusuri, lumalabas na mali ang mga ulat na iyon dahil nakakaihi ng normal si Vhong at walang mga artipisyal na kagamitan sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.
The post Ari ni Vhong ‘di namin ginalaw – Lee appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment