Wednesday, February 26, 2014

Ina ni Bea at kapatid ni Jake, nagmurahan at nagsabunutan

ISANG mensahe mula sa aming listener sa Star na Star program sa DWIZ ang natanggap namin. Ito ay may kaugnayan sa pag-aaway diumano ng kapatid ni Jake Vargas at ang ina ni Bea Binene na si Mrs. Carina Binene na humantong sa pisikalan at murahan.


Feb. 15 sa tech reh ng SAS nag-away ang ina ni Bea Binene na si Carina at kapatid ni Jhake Vargas na si Lani. Nagsabunutan at nagmurahan sila.


Pinalalayas ni Carina si Jake sa bahay nila kasi nagli-live in na ‘yung dalawang bagets. Pinahihiwalay ng ina si Bea kay Jhake. Ang sagot naman ng kapatid nito, si Bea ang malandi at lumalandi kay Jake kaya dapat si Bea raw ang sabihan.


Kung totoo ito, tama lang ang ginawa ng nanay ng Kapuso teenstar. Wala pa sila sa hustong gulang para magsama sa iisang bubong. Dapat ang ginawa ng kapatid ni Jake ay pinagsabihan na lang siya at sumunod sa sinasabi ni Mrs. Binene, eh, bahay naman nila ‘yon.


Nasa ibaba lamang ng pitak na ito ang aming mga numero at email address kaya welcome sinoman sa kanila ang gustong sumagot.


***


COCO AT KIM SABIK NA SA ISA’T ISA


HANDANG-HANDA na ang Hari at Prinsesa ng Teleserye na sina Coco Martin at Kim Chiu sa pagsisimula ng kanilang ‘once in a lifetime TV event’ sa Primetime Bida ng ABS-CBN na “Ikaw Lamang” na mapanonood sa darating na Marso 10.


“Nakatutuwa na pagkatapos ng ilang taon, magkakasama ulit kami ni Kim sa isang teleserye. Sobrang excited ako. Matagal-tagal na rin kasi mula nung nagkatrabaho kami sa ‘Tayong Dalawa’ at ‘Kung Tayo’y Magkakalayo,” kuwento ni Coco.


Magkahalong saya at kaba naman ang nararamdaman ni Kim sa pagsisimula ng kanyang bagong serye at bagong tambalan nila ni Coco. Huling napanood sa primetime TV si Kim sa hit family series na “Ina Kapatid Anak,” samantalang si Coco ay bumida sa most-watched superhero-serye na “Juan dela Cruz.”


“Siyempre sa lahat naman po ng project kinakabahan ako, lalo na po rito sa ‘Ikaw Lamang.’ Ang huhusay ng lahat ng mga artistang kasama namin. Masasabi kong ito ang pinaka-challenging na role at project na ibinigay sa akin,” ani Kim.


Makakasama rin ng dalawang magagaling na bida sa teleserye ang pinakamahuhusay na aktor ng kanilang henerasyon na sina Jake Cuenca at Julia Montes.


Kukumpleto sa award-winning powerhouse cast ng serye sina Ronaldo Valdez, Tirso Cruz III, Cherry Pie Picache, Cherie Gil, John Estrada, Daria Ramirez, Meryl Soriano, Spanky Manikan, at Lester Llansang. Kasama rin ang Kapamilya child stars na sina Zaijian Jaranilla, Louise Abuel, Alyanna Angeles at Xyriel Manabat para sa kanilang natatanging pagganap.


Ang “Ikaw Lamang” ay sa ilalim ng direksyon nina Direk Malu Sevilla at Avel Sunpongco. Ito ang pinakabagong obra ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng “Juan dela Cruz,” “Ina Kapatid Anak” at ang phenomenal drama series na pinagtambalan nina Coco at Julia na “Walang Hanggan.”


***


For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2-3 p.m, Monday to Friday. Mabalos!


The post Ina ni Bea at kapatid ni Jake, nagmurahan at nagsabunutan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ina ni Bea at kapatid ni Jake, nagmurahan at nagsabunutan


No comments:

Post a Comment