BALIK-PILIPINAS na si Pangulong Noynoy Aquino matapos ang dalawang araw na pagbisita sa Malaysia.
Alas-3:00 kaninang madaling-araw nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Pangulong Aquino kung saan sinalubong siya nina AFP Chief of Staff Manuel Bautista, PNP Chief Alan Purisima at DND Sec. Voltaire Gazmin.
Sa kanyang arrival speech sinabi ng Pangulo na bagamat mabilis lamang ang kanyang two-day visit sa Malaysia pero naging mabunga naman ito.
Ayon kay Pangulo, mainit ang pagtanggap sa kanya ng Filipino community sa Malaysia na kung saan may ilang may magandang puso ang nag-ambagan para ipa-renovate ang embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur.
Naging makabuluhan din ang pagpupulong nila ni Malaysian Prime Minister Najib Razak at nagkasundo silang paigtingin ang kalakal ng dalawang bansa.
Inanunsyo rin Pangulo na nagkasundo sila ni Razak na idadaan sa peaceful settlement ang problema sa pinag-aagawang teritoryo at nagkaroon ng pagkakataong repasuhin at pag-aralan ang namamagitang “defense relations” ng Pilipinas at Malaysia.
The post PNoy balik-Pinas matapos ang 2-day state visit sa Malaysia appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment