Thursday, February 27, 2014

Drug dealer, supplier nalambat sa Panay

NABULGAR na malaking supplier ng illegal drugs sa isla ng Panay ang naarestong suspected drug leader sa Region 4-A na si Hilario Talde.


Inihayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 6 Dir. Paul Ledesma na tumatayong “right hand” si Talde ng malaking drug lord na nago-operate sa Region 4-A o Calabarzon area.


Tinukoy pa ng opisyal na kung hindi naaresto, posibleng papasukin na rin ng suspek sa pagbebenta ng iligal na droga ang lalawigan ng Iloilo.


Una nang natukoy na nagsimula na itong mag-suplay ng drugs sa Northern Antique at sa Kalibo at Boracay, Aklan.


Apat na buwan na sinubaybayan ng PDEA ang kilos ng suspek matapos makatanggap ng impormasyon mula sa kanilang counterpart sa Region 4-A na umuuwi ito ng Antique.


Mariin namang itinanggi ni Talde ang mga alegasyon laban sa kanya.


The post Drug dealer, supplier nalambat sa Panay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Drug dealer, supplier nalambat sa Panay


No comments:

Post a Comment