KABUUANG 448 bagong kaso ng HIV-AIDS infections ang naitala sa bansa nitong Enero, 2014, kung saan pito sa kanila ang pawang patay na.
Ito ay batay sa ulat ng Department of Health (DOH).
Ayon sa DOH, bunsod ng naitalang mga bagong kaso ng sakit ay umakyat na sa 16,964 ang kabuuang bilang ng sakit na naitala sa bansa, simula taong 1984, kung kailan sinimulang mahigpit na i-monitor ng DOH ang HIV infections sa Pilipinas.
Sa ulat ng Philippine HIV and AIDS Registry ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), ang 448 bagong kaso ng sakit nitong Enero ay mas mataas ng 18 porsiyento sa 380 kaso na naitala noong Enero, 2013.
Sa naturang bilang, 57 ang full blown AIDS na nang naiulat at pito sa kanila, na pawang lalaki, ang iniulat na nasawi na.
Lumilitaw na ang pinakamataas na bilang ng mga nasawi ay nasa pagitan ng 25-29 age group (57%), kasunod ang 20-24, 30-34 at 50-pataas, na may tig-14%.
Karamihan o 444 mga bagong biktima ng sakit ay nahawa dahil sa pakikipagtalik, kung saan 85% nito ay mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki habang ang apat namang iba pa ay dinapuan ng sakit dahil sa paggamit ng iisang karayom ng mga drug user.
The post 448 bagong kaso ng HIV-AIDS naitala appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment