Wednesday, February 26, 2014

PAGHANDAAN ANG TAG-ULAN

ito-ang-totoo-colored3 TAG-INIT na ngayon pero hindi dapat kalimutan na susunod na ang tag-ulan.


Ito Ang Totoo: sa Pilipinas, dadalawa lang naman iyan kaya “predictable” o puwedeng malaman kung anu-ano ang mga posibleng mangyaring problema o sakuna dala ng panahon.


Karanasan na rin ang nagturo sa atin na sa tag-init, mas malimit na magkaroon ng sunog, sa mga kabahayan, negosyo at maging sa kagubatan.


May mga sakit ring naglipana sa tag-init tulad ng chicken fox, measles, mumps (beke), sore eyes at typhoid.


Pero sa Lungsod ng Olongapo at bayan ng Subic, ngayon pa lang kinatatakutan na ang pagbaha sa tag-ulan.


Kaya kanda-kumahog si Olongapo Mayor Rolen C. Paulino sa pagpapahukay ng mga ilog, kasama na ang bibig nito sa Subic Bay dahil grabe na talaga ang “siltation.”


Bumili na rin ang lungsod ng karagdagang dalawang “dump trucks” para mapabilis ang trabaho.


Tanong na lang ngayon ay kung sasapat ba ang nagagawang paghuhukay para mapigilan ang katulad ng dinanas nitong nakaraang taon na pinakamalaking pagbaha sa kasaysayan ng lungsod.


Tatlong “rubber boats” at isang traktora naman ang binili sa bayan ng Subic ni Mayor Jay Khonghun.


Aniya, sa kawalan ng suporta ng pambansang pamahalaan para sa magastos na paghuhukay ng mga ilog, kakapusin ang Subic sa “prevention” ng pagbaha kaya pinagtuunan na rin ng pansin ang “rescue” sa pamamagitan ng rubber boats.


Dismayado si Mayor Khonghun sa Malacañang, DPWH, DILG at iba pang sangay ng gobyerno sa kawalan ng aksyon o sagot man lang sa kanyang mga liham, kalapip ang mga resolusyon ng Sangguniang Bayan, na humihiling ng tulong.


Ito Ang Totoo: ang paghahanda laban sa pagbaha ay dapat gawin sa panahon ng tag-init habang wala pang sakunang nagaganap dala ng buhos ng ulan.


Ibig sabihin, kung tutulong man ang mga nakatataas na kinauukulan, dapat ngayon na at hindi kapag bumabaha na o tapos na ang baha.


Ito Ang Totoo!


The post PAGHANDAAN ANG TAG-ULAN appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PAGHANDAAN ANG TAG-ULAN


No comments:

Post a Comment