Wednesday, February 26, 2014

Pagpapatiwakal ng 3rd year HS student, binubusisi na

BINUBUSISI na ng awtoridad ang tunay na motibo sa pagpapakamatay ng 3rd year high school student sa North Cotobato.


Inaalam din kung nagkaroon ng foul play sa pagpapakamatay ng 15-anyos na estudyanteng dalagita na nagbigti sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Doroluman, Arakan, nabanggit na bayan.


Kinilala ang biktima na si Readalle Bugacia Magbanua, estudyante ng Marciano Dahan National High School sa lugar.


Batay sa report, nakita na lamang ng tiyahin ng biktima na nakabitin ito sa loob ng mismong silid nito.


Naisugod pa si Magbanua sa pinakamalapit na pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay.


Napag-alaman na isang plastic na tali ang ginamit nito sa pagpapakamatay habang narekober naman ang sulat nitong iniwan.


Nakasaad sa sulat ang matinding problema sa pamilya at depression na unang pinaniniwalaang dahilan ng pagpapatiwakal ng dalagita.


The post Pagpapatiwakal ng 3rd year HS student, binubusisi na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagpapatiwakal ng 3rd year HS student, binubusisi na


No comments:

Post a Comment