SUMANDAL ang Tigerscribes sa record sa laro nina Cedelf Tupaz at Diego Dela Paz upang kawawain ang guest team Philippine Sports Commission, 71-50 sa nagaganap na 3rd PSA-PSC Pakitang Gilas Basketball League (PGBL) Willie Caballes Cup sa Rizal Memorial Coliseum, Huwebes ng umaga.
Bumira si Philippine Daily Inquirer sportswriter Tupaz ng 37 points upang burahin ang dati nitong 33 markers habang humablot ng 31 rebounds si dela Paz para ilista ng Tigerscribes ang malinis na dalawang panalo at makuha ang solo liderato sa palaro ng Philippine Sportswriters Association at PSC.
May 15 puntos na isinahog ni Dela Paz sa kanyang performance habang si Tupaz ay may anim na assists sa liga na suportado rin ng PRC, MILO Basketball Efficiency and Scientific Training, Accel at Magnolia Purewater.
Nagsumite rin si Karlo Sacamos ng Spin.ph ng pitong puntos at limang rebounds habang si broadcaster Chiqui Reyes ay may seven points, walong boards, pitong assists at apat na steals para sa Tigerscribes.
Hindi man naka-puntos si Tigerscribe forward Elech Dawa ng Remate subalit limang importanteng blocks at tatlong rebounds ang inambag nito para pahirapan ang opensa ng PSC team.
Tumipa si Alejandro Millete 17 pts. para manguna sa opensa ng government sports agency, na kinu-coach ni Paul Ycasas at binasbasan nina PSC chairman Ricardo Garcia at executive director Atty. Guillermo Iroy Jr.
Unang sinagpang ng Tigerscribes ang Chrlie’s Dymons noong Lunes 58-46 win.
The post Tigerscribes nilampaso ang PSC appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment