Thursday, February 27, 2014

Puhunan sa Tagumpay

PASAPORTE-BY-JR-LANGIT SA tulong ng kanyang magandang tinig, nagawang mangibang-bayan at makapagpatayo ng sariling negosyo ng Pilipinang si Cean Devries.


Sa University of Sto. Tomas sa Pilipinas nagtapos ng kursong Hotel and Restaurant Management si Cean. Bagama’t nakapagtapos ng kolehiyo, hindi opisina, kundi ibang karera ang kanyang pinuntahan- ito ay ang pagiging bahagi ng bandang kung tawagi’y Ultrashock, kung saan ay isa siyang mang-aawit. Ito ang naging daan upang makarating siya ng bansang Indonesia.


Ayon kay Cean, anim na buwan lamang ang maaaring itagal ng working permit ng isang banda sa nasabing bansa, kung kaya’t makalipas ang anim na buwan ay napilitang magsibalik sa Pilipinas ang ilan niyang ka-grupo, subalit siya ay nagdesisyong manatili roon.


“I had chosen to stay because I met someone- my husband. He proposed marriage and so I stayed.” Kuwento niya.


Mapalad rin si Cean sapagkat napansin ng may-ari ng lugar na dati nilang tinutugtugan ang kanyang husay sa pag-awit na naging daan upang maging interesado itong alamin ang iba pa niyang kakayahan.


Nang malaman kung ano ang kursong kanyang tinapos ay agad siyang inalok nito upang maging manager ng buong lugar.


Makalipas ang isang taon, nagdesisyon si Cean at ang kanyang asawa na magtayo ng sariling negosyo.


Sa kanilang pagsisikap at pagtutulungan ay naitayo ang Options Entertainment International, isang talent agency na nagpapadala ng mga mang-aawit sa iba’t ibang bansa.


“Ang company namin is engaged in arranging live music entertainment for five star hotels in Indonesia; we have several artists from the Philippines and from here, we train them and they go to abroad.” Kwento pa niya tungkol sa kanilang kompanya.


Nabanggit niya na hindi biro ang kanilang pinagdaanan bago naging matagumpay ang negosyo nilang ito sapagkat ‘ika nga niya ay ‘from the scratch’ sila nag-umpisa.


“Ang meron lang kami guts and confidence kailangan mahaba ang pisi mo. Eventually nakuha namin yung first contract then nagroll over na lang’ yun. Timing na rin na hindi pa gaanong maraming entertainment companies when we started.” Wika niya.


Ayon kay Cean, marami silang kliyenteng bilib sa kakayahan ng mga Pinoy, hindi lamang dahil sa galing natin sa pag-awit kundi dahil na rin sa pagiging masinop, masipag, matigaya at husay sa pagsasalita ng Ingles. Hanga rin diumano ang mga ito dahil sa pagiging orihinal at flexible sa musika ng mga kababayan natin.


Tunay na malayo na ang narating ng dating mang-aawit ngunit ngayo’y big-time na negosyanteng si Cean at ito ang payo niya para sa mga gaya niya ay nais na magtagumpay- “All you have to do is just do your best in whatever you do.”


*******


Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa PTV-4 tuwing Miyerkules, 8:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.


The post Puhunan sa Tagumpay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Puhunan sa Tagumpay


No comments:

Post a Comment