Wednesday, February 26, 2014

PCG babalik sa Panatag shoal

NAKAHANDA nang bumalik ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG), sa Scarborough o Panatag shoal na bahagi ng pinag-aagawang West Philippine Sea.


Ang kahandaan ng PCG ay binigyang katiyakan ni Vice Admiral Rodolfo Isorena sa sandaling ipag-utos ni Pangulong Noynoy Aquino.


Ayon kay Isorena, handa rin nilang protektahan ang mga mangingisdang Pinoy sa Panatag kung kailangan.


Hulyo 2012 nang i-pull out ang mga coast guard vessel sa Bajo de Masinloc matapos ang stand-off sa pagitan ng Pilipinas at China sa pinag-aagawang teritoryo.


Gayunman, isa namang insidente ang naganap sa pagitan ng mga mangingisdang Pinoy at Chinese coast guard sa Panatag noong Enero 27.


Ito’y makaraang bombahin ng mga Tsino ang mga Pinoy gamit ang water cannon upang itaboy palayo sa Bajo de Masinloc.


Sinabi ni Zhang Hua, deputy chief of Political Section at spokesman ng Chinese Embassy sa Manila, hindi tinatanggap ng China ang protesta ng Pilipinas dahil walang nilalabag ang kanilang mga coast guard.


Ayon kay Zhang, ang Chinese vessels ay nagsasagawa ng regular patrol sa loob ng kanilang hurisdiksyon nang maganap ang insidente.


The post PCG babalik sa Panatag shoal appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PCG babalik sa Panatag shoal


No comments:

Post a Comment