Wednesday, February 26, 2014

Bebot na napaanak sa kalsada sa New York, pinagkaguluhan

AGAW-PANSIN ang isang babaeng British matapos pagkaguluhan ang panganganak nito sa gitna ng kalsada sa New York.


Ayon sa pahayag ni Polly McCourt, 39, mag-isa lang siya sa kanyang apartment nang makaramdam ng pananakit ng tiyan kaya nagmadaling umalis para magpunta sa ospital.


Habang nag-aabang ng taxi, hindi na napigilan lumabas ang kanyang ipinagbubuntis kaya sa kalsada na lamang nanganak, sa gitna ng rush hour.


Mabilis naman itong tinulungan ng mga nakakita at naisilang ang malusog na baby girl, bago pa man dumating ang emergency crews.


Ang 40-year-old Irish husband naman nito na si Cian McCourt, ay naipit umano sa traffic nang matanggap ang tawag ng kanyang misis na ikatlong supling ng mag-asawa.


Apat na taon na ang nakakaraan mula nang manirahan ang naturang British family sa New York.


Sa ngayon ay nasa ospital na ang mag-ina at kapwa nasa mabuting kalagayan.


The post Bebot na napaanak sa kalsada sa New York, pinagkaguluhan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bebot na napaanak sa kalsada sa New York, pinagkaguluhan


No comments:

Post a Comment