TINAWAG ni Navotas Rep. Toby Tiangco na double-standard justice ang pinaiiral sa ilalim ng administrasyong Aquino.
Binigyang diin ito ni Tiangco sa aniya’y inilunsad na ‘Destroy Binay’ plot ng gobyerno.
Pangunahing pinuna ng kongresista ang Office of the Special Prosecutor ng Ombudsman dahil sa namimili lamang ito ng dapat kasuhan kabilang na si dating Makati Mayor Elenita Binay.
Politika o ang nalalapit na 2016 election ang nakikitang dahilan ng United Nationalist Alliance na pinamumunuan nina Vice Mayor Jejomar Binay at Manila Mayor Erap Estrada upang kalkalin pa ng administrasyong Aquino ang kaso laban kay Ginang Binay na dinismis na noon pang 2011.
Hindi lamang aniya ang mga Binay kundi ang iba pang kaalitan sa politika ang tila pinaghihigantihan ng administrasyong Aquino.
Banggit pa ni Tiangco na kapag kakampi aniya sa politika ay binibigyang proteksyon at kinukunsinti lalo na sa isyu ng DAP samantalang kapag hindi kaalyado sa politika ay binubuhay ang mga matagal ng nailibing na kaso.
Pinaalalahanan pa ni Tiangco ang Ombudsman na huwag magpagamit sa Malakanyang dahil sisirain nito ang integridad ng tanggapan.
The post Double standard na admin ni PNoy pinuna appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment