Wednesday, February 26, 2014

PNoy tumulak pa-Malaysia kaninang umaga

TUMULAK kaninang umaga patungong Malaysia si Pangulong Noynoy Aquino para sa dalawang araw na state meeting.


Nabatid na alas-11 kanina nang tumulak ang delegasyon ng Pangulong Aquino na darating sa Kuala Lumpur alas 3:15 ng hapon.


Kabilang sa schedule ng Pangulong Aquino na nakahanay bukas ang meeting kay Malaysian King Abdul Halim at kay Prime Minister Najib Razak na lalagdaan ang ilang kasunduan lalo na sa sektor ng culture and education.


Kinahapunan bukas, magkakaroon ng Business Investment Forum na makakaharap ng Pangulong Aquino ang Malaysian business community kabilang sina Abdul Farid Alias ng Maybank Berhad, Tony Fernandez ng Air Asia at Lim Kok Thay ng Genting Berhad.


Inaasahang pinatampok sa biyaheng ito ng Pangulong Aquino ang pagsusulong sa peace process ng gobyerno sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nagsisilbing third party facilitator ang Malaysia.


Naitakda ang state visit ng Pangulong Aquino isang buwan matapos ang konklusyon ng usapan sa Bangsamoro Framework Agreement at nakatakdang lalagdaan na ang Comprehensive Final Peace Agreement sa MILF matapos ang ilang dekadang giyera sa Mindanao.


The post PNoy tumulak pa-Malaysia kaninang umaga appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PNoy tumulak pa-Malaysia kaninang umaga


No comments:

Post a Comment