NAKALULUNGKOT malaman na prinotesta ng mga Boholano ang pagpalit ng pangalan ng Bohol National High School sa Dr. Cecilio Putong National High School noong early 2000. Marami raw kasi sa kanila ay hindi nakakakilala kung sino si Dr. Cecilio Kapirig Putong ng Tagbilaran City.
Marami rin daw ang ayaw ang tunog ng apelyidong “Putong” kaya mas gusto nilang manatili ang dating pangalan ng kanilang paaralan.
Mabuti na lang at may isang historian at academician na si Jose Marianito Luspo ng Holy Name University na nagmalasakit para ipakilala sa mga kababayan ni Putong kung sino siya at ano ang kanyang kontribusyon sa ating bansa.
Si Luspo ay chairman ng Bohol Arts, Cultural Heritage Council. Dahil sa kanya ay hindi nanaig ang mga nagpoprotesta at si dating Congressman Isidro Zarraga, Jr. Kaya’t hanggang ngayon ay sa Dr. Cecilio Putong National High School pa rin ito.
Ngunit nakalulungkot nitong pag-uwi ko rito sa aming hometown nang ibalita sa akin ni Virgie Migriño ng Maribojoc, Bohol na ginawa nang Palma Street ang Putong Street. Ano sa palagay ninyo ang dahilan?
Kasama namin ang members ng Twinville Mini Pastoral Council dito sa Bohol: si Gemma Alviz-Sison, Juliet Cabildo, Penny Cristobal, Hermie Salazar, Tess Roque, MIla Lacsamana at Noel Lozano.
Teka … Sino ba itong si Cecilio Putong? Deserving ba siya na ipangalan sa kanya ang Bohol National High School? Deserving ba siya na pangalanan ng isang kalye?
Si Dr. Putong ay Secretary of Education noong panahon ni Presidente Elpidio Quirino noong 1952.
Author siya ng maraming libro, isa na rito ang “Bohol and its People.”
Sa aking pagkakaalala ay teacher siya sa edad na 13 at principal sa edad na 16. Mataas ang kanyang IQ, obvious ba?
Magiging principal ka ba sa edad na 16 kung hindi ka kakaiba, matalino at maabilidad?
Siya ay namatay na mahirap at simple noong Enero 26, 1980 sa Philippine Heart Center sa Quezon City. Bihira sa mga opisyal ng pamahalaan ang malinis ang budhi at hindi nangungurakot.
Tanungin natin ang mga Bol-anon … karapat-dapat bang tularan ng mga bagong henerasyon na mga taga-Bohol si Dr. Cecilio K. Putong?
Kayo? Sa palagay n’yo? Karapat dapat ba siyang tularan? Deserving ba siya na ipangalan sa kanya ang isang paaralan sa kanyang hometown?
Mabuti siguro na bisitahin ninyo ang Bohol para lalong mas makilala ninyo ang isang anak ng Bohol, na kahit malaki ang kontribusyon sa bayan sa larangan ng edukasyon, ay madaling tinalikuran ng kanyang mga kababayan.
The post BOL-ANONS SHOULD BE PROUD OF DR. CECILIO PUTONG appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment