PINASUSUMITE ng Senado ang Philippine National Police (PNP) ng rekomendasyon kung paano mapalakas pa ang kampanya laban sa mga sindikato sa ATM cards.
Ayon kay Sen. Grace Poe, chairperson ng Senate committee on public order and dangerous drugs, mahalaga na paigtingin pa ang seguridad sa mga gumagamit ng ATM cards sa harap ng tumataas na bilang ng mga nabibiktima ng sindikato.
“Lahat tayo ninenerbyos ‘pag di makakuha ng pera sa ATM. Importante talaga at dapat tiyakin ang seguridad nito para sa kapakanan ng ating mga kababayan,” ayon kay Poe.
Sa ginanap na pagdinig ng Senado, iprinesenta ng PNP ang mga ginagamit ng mga sindikato sa panloloko kabilang na ang skimming plate na pinapatong sa keypads ng ATM machines, isang paraan para makuha ang PIN codes ng depositors sa oras na mag-withdraw ng pera.
Sa panig ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ipinag-utos na nito sa mga bangko ang pagpalit ng ATM cards na gawing chip mula sa dating magnetic stripe.
Batay sa records ng BSP, umabot na sa 1,272 ang napaulat na ATM fraud mula taong 2013 kung saan nasa P220 million ang nawalang pera.
The post Senado sa PNP, palakasin ang kampanya vs ATM frauds appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment