PATULOY ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa pagpapakamatay ng isang Korean national na natagpuang wala nang buhay sa isang resort sa Negros Occidental.
Nasa advance state of decomposition na nang matagpuan ang bangkay ng Korean national na si Sein Jang, 54, sa isang cottage sa Mambukal Mountain Resort sa bayan ng Murcia alas-8:30 kahapon ng umaga.
Batay sa imbestigasyon, nag-check-in ang dayuhan noong Pebrero 5, 2014 at huling nakita noong Pebrero 23.
Papalitan sana ng roomboy ang beddings sa loob ng cottage ng dayuhan ngunit walang bumukas sa pinto at may napansin siyang masangsang na amoy.
Dahil dito, pinuwersang buksan ng mga empleyado ang pinto at tumambad sa kanila ang bangkay ng biktima na may tali sa leeg gamit ang neck tie at nakakabit sa headboard ng kanyang higaan.
Batay sa pagsusuri sa crime scene, sinabi ni Negros Occidental police provincial office director S/Supt. Milko Lirazan, walang palatandaan na may foul play na nangyari sa naturang insidente.
Walang sign of struggle sa biktima at intact naman ang gamit nito gaya ng wallet na may lamang pera, ID, cellphone, passbook at passport na nakasilid sa kanyang backpack.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpapakamatay ng naturang dayuhan na naghahanap pa ng interpreter na magbabasa sa mga diary nito at mga dokumento na nakasulat sa Korean language kabilang na ang iniinom na gamot.
The post Koreano natagpuang patay sa resort sa Occidental appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment