Wednesday, February 26, 2014

Ilang kalsada sa Manila sarado sa Sabado

NAGLABAS ng rerouting ang Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa gaganaping triathlon sa Sabado, Marso 1.


Sa advisory ng MMDA, ilang kalsada ang isasara mula alas-2 ng madaling-araw sa Sabado para sa kauna-unahang Manila triathlon na may temang “Tri Manila 2014.”


Ang mga isasarang kalsada ay kabibilangan ng Roxas Blvd., north at south bound lane mula Buendia hanggang Katigbak.


Southbound lane ng Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang Katigbak, sarado rin ang kahabaan ng TM Kalaw east at westbound lanes mula Ma. Orosa hanggang Roxas Blvd., southbound lane ng Ma. Orosa mula P. Burgos hanggang TM Kalaw.


Sarado rin ang kahabaan ng P. Burgos eastbound lane mula Ma. Orosa hanggang Roxas Boulevard at ang kahabaan ng Pres. Quirino east at westbound lanes mula Taft Avenue hanggang Roxas Boulevard.


Lahat naman ng sasakyan na galing sa northern part ng Manila/Pier zone na gumagamit ng southbound lane ng Roxas Blvd. ay maaaring dumaan sa Anda Circle diretso sa A. Soriano St., kanan sa Magallanes Drive at kanan sa P. Burgos at diretso sa Taft Avenue patungo sa kanilang destinasyon.


Habang ang mga sasakyan naman na mula sa southern part ng Manila na nais dumaan sa northbound lane ng Roxas Boulevard ay maaari namang kumana sa Buendia, kaliwa sa Taft Avenue patungo sa destinasyon.


Ang mga sasakyan naman na mula sa Jones, McArthur at Quezon bridges na dadaan sa southbound lane ng Roxas Boulevard ay kailangan namang dumiretso sa Taft Avenue patungo sa kanilang destinasyon.


Maaari namang kumaliwa o kumanan sa Taft Avenue patungo sa kanilang destinasyon ang mga sasakyan na manggagaling ng Pres. Quirino/Osmeña na nagbabalak dumaan sa Roxas Boulevard.


The post Ilang kalsada sa Manila sarado sa Sabado appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ilang kalsada sa Manila sarado sa Sabado


No comments:

Post a Comment