NAGING low pressure area (LPA) na lang ang hagupit ng bagyong Basyang kaya tinanggal na ng PAGASA ang lahat ng storm signal kaugnay ng sama ng panahon sa mga apektdong lugar.
Ayon sa PAGASA, humina at naging LPA na lang ang naturang sama ng panahon.
Sa pagtatala ng PAGASA, huling namataan ang sentro nito sa layong 328 kilometro sa kanluran hilagang kanluran ng Puerto Princesa City o 559 kilometro sa kanluran ng Coron, Palawan.
Kumikilos ito ng pakanluran sa bilis na 30 kilometro bawat oras.
Mamayang hapon ay inaasahan itong nasa 764 kilometro sa kanluran ng Coron, Palawan o sa labas na ng Philippine area of responsibility.
The post Bagyong Basyang LPA na lang – PAGASA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment