Monday, February 24, 2014

Ulo ng tatay dinurog ng senglot na anak

SAN CARLOS, PANGASINAN – Patay ang isang ama matapos paghahampasin ng bato sa ulo ng kanyang lasing na anak.


Dead-on-arrival sa pagamutan si Arcadio Aquino, 55, ng San Carlos, Pangasinan.


Sa imbestigasyon, dumating ang anak ng biktima na si Andrian Aquino, 25, sa kanilang bahay na lango sa alak.


Nang sitahin ng kanyang ama ay lumabas ng bahay ang suspek saka kumuha ng bato.


Pagbalik ay walang sabi-sabing pinaghahampas ng salarin ang bato sa ulo ng kanyang ama hanggang mamatay.


Tangka namang tumakas ng salarin pero nadakip siya ng mga pulis.


Ang suspek ay nakakulong na sa San Carlos detention cell at nahaharap sa kasong parricide.


The post Ulo ng tatay dinurog ng senglot na anak appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ulo ng tatay dinurog ng senglot na anak


No comments:

Post a Comment