NALAGAS ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa naganap na engkuwentro sa Sitio Bedrock, Barangay Mabini, Surigao City.
Sa naganap na engkuwentro, walang nasugatan o namatay sa hanay ng militar.
Nakarekober pa ng militar ang ilang armas ng mga NPA matapos ang sagupaan.
Samantala, umaabot naman sa kabuuang 100 armas na ang nasa kamay ng pamahalaan mula sa rebeldeng grupo.
Kabilang dito ang nasa 43 M16 armalite rifle, 13 AK-47, walong M-14, 11 mga granada at apat na carbine rifle.
Ayon kay Capt. Alberto Caber, tagapagsalita ng Eastern Command ng AFP, maliban nito ay may 80 matataas na kalibre ng baril na rin ang isinuko ng mga rebelde sa mga awtoridad simula noong 2013.
Tiniyak naman nito na patuloy ang pagdepensa ng gobyerno sa mga mamamayan mula sa rebeldeng grupo.
The post NPA tepok sa bakbakan sa Surigao City appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment