Monday, February 24, 2014

Mga armas, bala narekober sa engkuwentro ng militar at NPA

NAREKOBER ng militar ang maraming bala at iba’t ibang kalibre ng armas tulad ng 9MM pistol at dalawang backpack na naglalaman ng mga personal na gamit at subersibong dokumento matapos ang engkuwentro sa New Peoples Army (NPA).


Naitala na naman ang panibagong engkuwentro sangkot ang pinaniniwalaang mga rebelde at tauhan ng 9th ID Philippine Army sa Camarines Sur.


Nangyari ang sagupaan sa Sitio Caliriohan ng Barangay Bagong Silang bayan ng Pasacao kahapon ng hapon.


Ayon kay Capt. Marjorie Pamesa, Public Affairs Officer ng Army sa Bicol, nagsasagawa ng security patrol ang grupo ni 1Lt. Brandy Tangob nang makasagupa ang tinatayang 10 armadong rebelde na nagresulta sa ilang minutong palitan ng putok hanggang sa umatras ang mga rebelde sa bulubunduking bahagi ng lugar.


Hindi makumpirma ng opisyal kung may sugatan sa panig ng rebelde habang wala sa panig ng gobyerno.


Magugunita na nito lamang nakalipas na linggo ay may naganap ding engkuwentro sa Brgy. Patalunan Ragay kung saan may mga sugatan.


Hinaras din ang grupo ng militar na magsasagawa sana ng medical mission sa Libmanan, Camarines Sur.


The post Mga armas, bala narekober sa engkuwentro ng militar at NPA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mga armas, bala narekober sa engkuwentro ng militar at NPA


No comments:

Post a Comment