MUKHANG sasablay si Sec. Ping Lacson sa pagiging rehab czar dahil mukhang nagiging flexible ang mamang dating mambabatas sa takbo ng pulitika sa bansa.
Kung noon dati ay matapang si Ping na batikusin ang mga pasimuno ng palpak na bunkhouses ay mukhang bigla itong kumambiyo dahil malinaw sa kanyang statement na inayos na raw ito at mayroong paraan ang mga pumalpak na kontratista at DPWH employees para ituwid ang kanilang pagkakamali.
Mukhang ito ang maglalaglag kay Lacson patungo sa Malakanyang dahil hindi siya kilala ng mga tao na ganitong kalambot at iyan ay ipinakita niya sa kanyang mga expose at pakikipaglaban noong siya ay pulis at mambabatas pa lamang.
Sa madaling salita, dapat ibalik ni Mang Ping ang kanyang matapang na prinsipyo dahil dito nagtiwala sa kanya ang publiko lalo na sa panahon ngayon na naghahanap ang mamamayan ng ‘Pinas ng matinong lider ng bansa.
Pagkakataon na ang hawak ni Lacson kaya’t sana naman ay huwag niya itong sayangin dahil naroon na siya sa tamang daan patungo sa Palasyo ng Malakanyang.
o0o
Hindi na biro ang sunod-sunod na patayan sa bansa gamit ang mga riding-in-tandem na kriminal.
Ito ang dapat atupagin ngayon ng gobyerno, lalo na ang pulisya dahil mukhang patungo na sa anarkiya ang bansa kapag nagtuloy-tuloy ito.
Ayaw natin ng bansang walang ginagalang na gobyerno kaya’t habang may panahon pa ay gawan na nila ito ng paraan dahil posibleng marami pang buhay ang malalagas dahil sa pagiging iresponsable ng police at iba pang awtoridad.
The post REHAB CZAR MAKE OR BREAK KAY PING appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment