MULA Nobyembre 11, 2010, si Dr. Hilda C. Ong, ang anchor ng sariling programa, ang “Health and Travel @ Serbisyo Publiko”. Isang programang naglalayong tulungan ang mga nakikinig hindi lamang sa larangan ng pangkalusugan at paglilingkod, kundi ito’y lalo pang nagbigay sigla sa larangang ispiritual nang magkaroon ng segment ng “Touching Moment”, kung saan ay narinig natin ang personal na karanasan ni Dr. Hilda Ong na dito’y binanggit niya kung paano niyang hinarap ang hamon ng buhay nang magkasakit hanggang ang kanyang asawa ay maiwan siya at ang kanilang mga anak.
Simula ngayong Pebrero 2014, magkakaroon ng patimpalak ang programang “HEALTH & TRAVEL @ SERBISYO PUBLIKO.”
Ang sumusunod ay mga panuntunan sa nasabing patimpalak para sa segment ng “Touching Moment” na nakaka-TOUCH ng PUSO.
Magpadala ng tunay na kwento ng inyong buhay na kapupulutan ng aral, gayundin makaaantig ng puso at damdamin ng mga tagapakinig.
1. Dapat na nagtataglay lamang ng 500 hanggang 600 na salita ang bawat kwento .
2. Mag-register sa Facebook Fanpage ni Dr. Hilda Ong at mag email sa hilda0509@yahoo.com.
3. Isulat ang inyong pangalan, address at mobile number. Ang mga nagwagi sa bawat linggo ay maglalaban at pipiliin ng inyong lingkod ang magwawagi para sa “Monthly Winner” category.
Mula Pebrero hanggang Oktubre ay maglalaban-laban ang mga monthly winner. Tatlo ang pipiliing magwawagi bilang unang gantimpala, ikalawang gantimpala at ikatlong gantimpala.
Sa Nobyembre 11, 2014, Araw ng Anibersaryo ng “Health & Travel @ Serbisyo Publiko” ibibigay ang gantimpala sa mangungunang tatlong magwawagi.
Ang mga weekly at monthly winners ay tatanggap ng Jimm’s Coffee at mga Jimm’s Products mula sa Goldshine Pharmaceutical Inc at Jim & Jimsons Laboratories, Inc.
Ugaliin ang pakikinig sa programang “HEALTH & Travel @ SERBISYO PUBLIKO” ng inyong lingkod, Dr. Hilda C. Ong sa DWBL 1242kHz (dwbl-am1242-khz.blogspot.com) at DWSS 1494kHz (dwss1494khz.blog-spot.com).
The post “MAKAAANTIG NG PUSO AT DAMDAMIN” IGAGAWAD SA ARAW NG ANIBERSARYO appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment