TALIWAS sa paniniwala ng taumbayan at ilang mambabatas sa Kongreso na malala ang car smuggling sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA), Ports of Cebu at Davao, nagsabi ang ilang negosyante na suriin ang binabayarang buwis ng mga kilalang car importer sa bansa.
Kinuwestiyon ng mga negosyante ang buwis na binayaran noong 2012 ng Toyota Motor Philippines Corporation, Mitsubishi Motors Philippines, Honda Cars, Izusu Philippines Corporation at iba pa na nagbebenta ng mga bagong sasakyan sa bansa.
Sa hawak nilang dokumento, lumabas na ang Toyota ay nakapagbenta sa buong bansa ng halos P45 bilyon at nagbayad lang ng buwis na P125 milyon samantalang ang Mitsubishi Motor na nakabenta ng P25B ay nagbayad lamang ng halos P73M.
Ang Izusu ay nakabenta ng mahigit P7 bilyon ngunit nagbayad lang ng 16 na milyon.
Sabi ng mga negosyante, ang binayaran na mga buwis ay katumbas lamang ng 0.28 ng bayaring buwis ng Toyota.
Ang Mitsubishi Motors ay 0.30 samantalang ang Izusu Motors naman ay katumbas lang ng 0.23. Ito anila ay malaking kuwestiyon para kay BIR chief Kim Henares na sobra ang paghihigpit sa paniningil ng buwis.
Sabi ng isang negosyante, kahit alisin pa ng Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue ang lahat ng uri ng tax incentives para sa mga dayuhang negosyante kasama na ang ad valorem tax, napakalaki pa rin, aniya, ang diperensiya ng binayarang buwis ng mga dayuhang car importer kapag ipinataw ang tamang buwis batay sa value added tax.
“Kung itatama ng BIR at BOC ang kanilang tara sa mga nabanggit na car importers katulad ng Toyota, dapat ay mahigit limang bilyong piso ang kanilang buwis,” ayon sa isa pang nagrereklamo na negosyante.
Itinuro rin nila ang kalagayan ng mga car importer sa CEZA na nakapagbenta lang ng halagang P410 milyon sa buong taon ng 2012 pero nagbayad sila ng buwis na P120 milyon.
Maliban, anila, sa mataas na binayarang buwis, dumaan sila sa mahigpit na proseso ng importasyon mula sa Customs, BIR at local government offices sa Cagayan kasama na ang clearances at Permit To Import mismo ng CEZA at BOC.
Nanawagan ang mga negos-yante kay Pangulong Benigno Aquino III na dapat niyang paimbestigahan ang dayaan ng pagbabayad sa buwis ng malalaking car importer na sinabi nilang hindi bababa sa P30B ang nawawala sa koleksyong buwis ng gobyerno.
The post KILALANG IMPORTERS SAGAD SA DAYA SA BUWIS appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment