Sunday, February 2, 2014

PH at HK, tuloy ang konsultasyon sa resolusyon ng visa row

PATULOY ang konsultasyon ng Pilipinas at Hong Kong kaugnay sa namamagitang tensyon kaugnay sa naganap na Manila hostage-taking sa Manila.


Dahil dito, umaasa ang Filipino Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong na maresolba na sa lalong madaling panahon ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at nasabing special administrative region.


Sa isang pahayag, sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na bagama’t una nang nanindigan ang pamahalaan na matagal nang naresolba ang isyu, pero muli nitong ipinarating na nanatiling bukas ang Pilipinas para pag-uusap.


Una na ring sinabi ni Foreign Affairs spokesperson Raul Hernandez na nagawa na ng pamahalaan ang demands ng Hong Kong government at mismong ng mga biktima at kanilang pamilya.


Sa katunayan, nagparating na nang masinsinang paumanhin ang Pilipinas dahil sa insidente.


Maalala na sa nangyaring insidente noong 2010, pitong Hong Kong tourist ang nasawi matapos ang palpak na rescue operations ng mga awtoridad.


Kamakailan, nagpataw ng “visa sanction” ang special administrative region at hindi na maaaring pumasok sa lungsod ang mga opisyal ng Pilipinas na walang visa.


Hindi naman apektado ang mga Pinoy sa Hong Kong sa visa sanction at wala namang report ng pagmaltrato o anumang karahasan laban sa mga Pinoy kaugnay nito.


The post PH at HK, tuloy ang konsultasyon sa resolusyon ng visa row appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PH at HK, tuloy ang konsultasyon sa resolusyon ng visa row


No comments:

Post a Comment