HANGAD ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na makakolekta ng P917-bilyon na buwis mula sa mga large taxpayer, ngayong taon.
Kumpara ito sa P915-bilyon na orihinal na target ng BIR.
Mataas din ito sa P768.3-bilyon collections mula sa large taxpayers service (LTS) noong 2013.
Kabilang sa LTS ang conglomerate, mga subsidiary at affiliate nito; multinational companies, universal o commercial at foreign banks na may authorized capital na halos P300-milyon.
Ang LTS ang may pinakamalaking ambag sa total revenue collection ng BIR.
Layon ng ahensya na makakolekta ng P1.4-trilyon ngayong taon kumpara sa collection goal na P1.25-trilyon noong 2013.
The post P917-B koleksyon, target ng BIR ngayong 2014 appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment