Sunday, February 2, 2014

Call center agent, tigok sa suwag ng bus

PATAY ang call center agent nang mabundol ng rumaragasang bus sa Barangay Ramis, Legaspi City.


Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang naganap na insidente sa pagkakabundol sa biktima na si Avelino Paul Guillermo, 21.


Sa ipinadalang ulat ng Albay Police Provincial Office, binabaybay ng St. Jude passenger bus na minamaneho ni Joseph Borabien, 43, ang kahabaan ng Tabaco City nang biglang mag-overtake sa isang Pajero kaya nabundol ang nasa unahan na motorsiklong minamaneho ni Guillermo.


Bunsod nito, tumilapon sa kalsada si Guillermo na nagtamo ng seryosong pinsala sa katawan.


Nadala pa sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) ang biktima subalit idineklarang dead on arrival.


Nahaharap naman ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang suspek.


Determinado ang pamilya ng biktima na ituloy ang kaso laban sa driver ng bus.


The post Call center agent, tigok sa suwag ng bus appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Call center agent, tigok sa suwag ng bus


No comments:

Post a Comment