NANANATILING nakabukas ang pintuan para sa usapang pangkapayapaan sa grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF).
Ang hangarin ng pamahalaan ay sa kabila nang ipinatupad na “calibrated law enforcement operations” laban sa BIFF.
Sa isang kalatas, sinabi ni government peace panel chairperson Miriam Coronel-Ferrer na layon nang isinagawang military operations ay para mahinto ang patuloy na paghahasik ng kaguluhan ng grupo at ang pananabotahe sa prosesong pangkapayapaan.
Kamakailan lamang, pinagtibay ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front ang panghuling bahagi ng “annexes” na bubuo sa binabalangkas na Bangsamoro Framework Agreement.
Nitong nakaraang linggo, halos 50 ang naitalang namatay sa panig ng mga rebelde dahil sa isinagawang “surgical operation” ng militar sa lalawigan ng Maguindanao.
The post ‘Peace talk’ welcome sa BIFF appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment