Sunday, February 2, 2014

China at Germany, atras sa FIBA World Cup

NAKOMPLETO na ang listahan na mga bubuo sa 24 teams para sa gagawing 2014 FIBA World Cup of Basketball.


In-award ng FIBA ang wild card spots sa Brazil, Finland, Greece at Turkey.


Bago ang announcement ng wild card entries, nagdesisyon na umatras na lamang ang Germany at China.


Kung maalala, bigong naka-qualify para sa World Cup ang China matapos matalo sa quarterfinal round ng FIBA Asia Championship na ginanap sa Pilipinas noong nakaraang taon.


Samantala, ginanap ang official draw sa FIBA kaninang madaling araw, Enero 4.


Dito na malalaman kung saan grupo mapapabilang ang Pilipinas at kung sino ang una nilang makakalaban.


Magsisimula ang 2014 FIBA World Cup of Basketball sa August 30 hanggang September 14.


Narito ang 24 team na maglalaro sa FIBA World Cup: Spain, USA , Iran, Philippines, Korea, Argentina,Mexico, Puerto Rico, Dominican Republic , France, Lithuania Croatia, Slovenia, Ukraine, Australia,New Zealand , Angola, Egypt, Senegal, Brazil, Finland, Greece, Turkey.


The post China at Germany, atras sa FIBA World Cup appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



China at Germany, atras sa FIBA World Cup


No comments:

Post a Comment