Sunday, February 2, 2014

Alegasyon vs Revillas, ipauubaya sa PDAF task force

IPINAHAYAG ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na mas mabuting ipaubaya na sa binuong task force ang mag-imbestiga sa PDAF scam sa kaso ni dating Sen. Revilla.


Kaugnay nito tumangging magkomento ngayon ang Malacañang sa ulat kaugnay sinasabing kinalaman ni dating Sen. Ramon Revilla Sr., sa kontrobersiyal na multi-billion peso “pork” barrel fund scandal.


Sinabi pa ni Valte na mayroong umiiral na proseso sa imbestigasyon ng Department of Justice, Commission on Audit at Office of the Ombudsman sa eskandalo.


Una nang tinitingnan ng DOJ ang posibleng pagsasampa ng kaso kay Revilla Sr., matapos maungkat na naibahagi rin sa mga pekeng foundations ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles ang kanyang “pork” barrel funds noon.


Ayon kay Justice Sec. Leila de Lima, tututukan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso ni Revilla sa gitna nang paghayag ng whistleblower na si Benhur Luy na nagsimula pa sa former senator ang ugnayan ng mga Revilla kay Napoles.


The post Alegasyon vs Revillas, ipauubaya sa PDAF task force appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Alegasyon vs Revillas, ipauubaya sa PDAF task force


No comments:

Post a Comment