IPINAWAWALANG-BISA sa Korte Suprema ng mga Martial Law victims ang pagkakatalaga kay PNP Gen Lina Castillo-Sarmiento bilang pinuno ng Human Rights Victims Claims Board.
Sa petisyon ng Samahan ng Ex Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA), maituturing na insulto para sa mga biktima ng martial law ang pagtatalaga kay Sarmiento dahil wala ni isa mang nominado ng SELDA ang naitalaga sa Human Rights Victims Claims Board sa kabila ng isinasaad ng probisyon sa RA 10368 o Human Rights Victims Recognition and Reparation Act
Sinabi pa ng grupo sa ilalim ng nasabing batas ang mga dapat na myembro ng Human Rights Victims Claims Board ay dapat taglay ang mga sumusunod na kwalipikasyon kabilang na ang pagkakaroon ng competence at integrity, may malalim na pag-unawa at kaalaman sa human rights, kabilang sa mga tumutol at gumawa ng hakbang kontra human rights violations noong rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at may commitment sa human rights protection.
Kabilang sa petitioners ang mga martial law victims na sina dating Bayan Muna Rep. Saturnino Ocampo, Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, Dr. Carolina Araullo, Trinidad Repuno, Tita Lubi at Josephine Dongail.
Naniniwala ang mga petititioner na nagkaroon ng grave abuse of discretion sa panig ni Pangulong Aquino nang italaga si Sarmiento sa pwesto na anila ay hindi naman kwalipikado para mamuno ng Human Rights Claims Board.
The post Paghirang kay Sarmiento sa CHR kinuwestyon appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment