NAIS ng Commission on Elections (COMELEC) na maiwasan na ang pagkakaroon ng nuisance candidates sa mga halalan sa bansa kung kaya pinag-aaralan nila ang pagpapatupad ng candidate bond sa mga nais kumandidato.
Ayon kay COMELEC Commissioner Lucenito Tagle, masyadong maraming di naman kuwalipikadong kandidato ang naghahain ng kandidatura kapag may eleksiyon na nagpapagulo lamang sa eleksiyon.
“Para malinis, ang gulo gulo ng eleksyon natin e,” ani Tagle.
Nilinaw naman ni Tagle na pinag-aaralan pa ito sa ngayon ng Commission en banc.
Sakali naman aniyang maaprubahan ay maaari itong ipatupad sa darating na 2016 presidential elections.
Sa ngayon aniya, wala pa rin silang napag-uusapang halaga ng bond na hihingin sa mga nais na kumandidato.
Kaugnay nito, ipinaliwanag naman ni COMELEC spokesman James Jimenez na sa ilalim ng candidate bond system, sa oras na maghain ng Certificate of Candidacy (COC) ang isang nais kumandidato ay kailangan niyang magbayad ng partikular na halaga.
Ang naturang halaga ay ibabalik naman sa naturang kandidato pagkatapos ng halalan.
“We are proposing that candidates who want to run offer a bond and will be returned to them if they get a certain minimum percentage of the votes,” ani Jimenez.
Naniniwala naman si Tagle na hindi na rin kinakailangan pa ng batas para rito at sapat na ang isang memorandum circular.
Aniya pa, sa ibang bansa, tulad ng South Korea at India, ay pinapayagan naman ang candidate bond.
The post Candidate bond ipatutupad ng COMELEC appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment