Monday, February 24, 2014

2 holdaper timbuwang sa engkuwentro sa QC

KAPWA nalagas sa engkuwentro ang dalawa sa tatlong kalalakihang nangholdap sa isang pampasaherong jeep sa Quezon City kaninang madaling-araw, Pebrero 25.


Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan at namatay noon din ang mga hindi nakikilalang holdaper na inilarawang 25-30-anyos, nakasuot ng t-shirt at maong pants.


Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) station 11, naganap ang insidente alas-12:45 ng madaling-araw sa Quezon Avenue.


Ayon sa dalawang biktimang sina Laarni Villanueva at Rose Ann Aclan, bago ang insidente, ay sumakay sila sa isang pampasaheroing jeep sa Banaue St., at dinatnan na nilang sakay ang tatlong suspek.


Maya-maya lang, naglabas na anila ng baril ang isa sa mga suspek at nagdeklara ng holdap.


Tinangka rin na barilin ng mga suspek ang tsuper ng dyip na si Francisco Arliga nang mapansin na binilisan nito ang pagpapatakbo ng dyip.


Nang makuha na ang pera at mga cellphones ng mga pasahero, bumaba na ang mga suspek pero naispatan sila ng mga nagpapatrolyang QCPD mobile patrol unit.


Ganti naman ng putok ang isinagot ng mga suspek kaya bilang pagtatanggol sa sarili ay pinutukan din ng mga pulis dahilan para tumimbuwang ang dalawa sa mga holdaper.


The post 2 holdaper timbuwang sa engkuwentro sa QC appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 holdaper timbuwang sa engkuwentro sa QC


No comments:

Post a Comment