LAOAG CITY – Isang mag-ama ang arestado makaraang patayin ang kanilang kapitbahay na lalaki dahil sa away ng mga bata sa Sitio Baggak, Barangay Poblacion, Pagudpud, Ilocos Norte.
Kinilala ang biktima na si Ruben Madriaga, 44, habang ang mga suspek ay sina Duardo Aldos, 40, at anak nitong si Cris, 18, kapwa ng Sitio Baggak, nasabing lalawigan.
Sa imbestigasyon ng Pagudpud police, nag-away ang mga anak ng biktima at Duardo na dahilan upang magkasagutan din ang dalawang ama.
Sa gitna ng kanilang pag-aaway, umuwi ni Duardo at kumuha ng patalim at sumugod sa biktima.
Si Duardo at ang kanyang anak ay pinagtulungang saksakin ang biktima.
Sa ngayon ay nakakulong na ang mag-ama.
The post Kelot patay sa away ng mga bata appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment