Monday, February 24, 2014

Batikos ni FVR, dedma sa Palasyo

BINALEWALA ng Malacañang ang patutsada ni dating Pangulong Fidel Ramos dahil sa kaliwa’t kanang problema ng bansa sa ilalim ng Aquino administration.


Batay sa ulat, nagpasaring si Ramos kay Pangulong Aquino sa mga problemang panlipunan at kawalan ng aksyon na mistulang “ticking bombs” na maaaring sasabog anumang oras.


Una nang inihayag ni Ramos sa wreath-laying ceremony sa Fort Bonifacio bilang bahagi ng paggunita sa ika-28 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na lalong lumubha ang kahirapan, lumawak ang pagitan ng mayaman at mahihirap, gayundin ang mataas na presyo ng mga bilihin, korupsyon, “poor governance” at pamamayagpag ng dinastiya at mga tinaguriang “oligarchs.”


Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kinikilala at hindi naman pinapabayaan ng administrasyon ang nasabing mabibigat na problema at mga isyu.


Nagpapatuloy din ang paghahanap ng pamahalaan ng mga solusyon at programa para matugunan ang naturang mga suliranin ng mamamayan.


The post Batikos ni FVR, dedma sa Palasyo appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Batikos ni FVR, dedma sa Palasyo


No comments:

Post a Comment