PINATUTSADAHAN ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino ang mga mediaman at kolumnista na bumabatikos sa kanya at sa kanyang administrasyon.
Sa kanyang pagdalo sa isang okasyon kagabi, sinabi ng Pangulo na hindi katulad ng Manila Bulletin na magaganda at puro positive ang mga balita, may ilang kolumnista at mediaman na nabubuhay sa negatibismo o panay banat na walang katuturan.
Sinabi ng Pangulo na dapat itaas ang lebel ng public discourse o paghahatid ng mga balita sa publiko sa halip na gatungan pa ng hindi makatwirang espekulasyon at intriga na nakadadagdag sa pambansang pagdurusa.
Gayunman, sinabi ng Pangulo na may kunsuwelo pa rin ito dahil sa kabila ng mga negatibong banat sa kanya ng nga kritiko ay mayorya pa rin ng mga Pilipino ang patuloy na nagtitiwala at sumusunod sa tuwid na daan.
Ang positibong ulat ang nagiging inspirasyon nito para lalo pang pagsikapan na maiayos at maiangat ang takbo ng buhay ng mayorya ng mga Pilipino.
The post Mediamen na bumabatikos sa Aquino admin, binira ni PNoy appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment