Monday, February 3, 2014

P1M ari-arian naabo sa sunog sa Zamboanga del Norte

UMAABOT sa halos P1 milyon halaga ng isang gusali ng paaralan ang tinupok ng apoy sa may Barangay Poblacion, Kalawit, Zamboanga del Norte.


Batay sa report mula kay S/Insp. Stephen Felisilda Latar, nagsimula ang sunog alas-8:30 ng gabi kung saan nasunog ang isa sa mga gusali ng Kalawit National High School na may dalawang silid-aralan.


Lumalabas sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagsimula ang apoy sa isang sulok ng gusali na nagsisilbing kusina ng naturang paaralan.


Kaagad dinng nakaresponde ang mga kasapi ng BFP pero lumipas pa ang halos dalawang oras bago naideklarang fireout ang lugar.


Wala namang napaulat na nasaktan sa nasabing sunog.


Inaalam pa ngayon ng mga awtoridad kung ano ang sanhi ng sunog at kung sino ang dapat managot dito.


The post P1M ari-arian naabo sa sunog sa Zamboanga del Norte appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



P1M ari-arian naabo sa sunog sa Zamboanga del Norte


No comments:

Post a Comment