Monday, February 3, 2014

BIFF nagbabantang reresbak

KINUMPIRMA ng hukbong sandatahan ng Pilipinas na handa ang kanilang puwersa sa sandaling umatakeng muli ang mga tropa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).


Ayon kay Major General Domingo Tutaan, tagapagsalita ng AFP ang hakbang ay kung sakaling magsagawa ang BIFF ng kanilang retaliatory attacks bilang pagganti sa isinagawa nilang opensiba.


Aminado si Tutaan na may mga natitira pa ring sympathizers ang grupo ni Kumander Umbra Kato na magbibigay suporta rito.


Ang kailangan lamang ni Tutaan ay doblehin ng militar at ng mga sibilyan ang kanilang pagmamanman gayundin ang alerto sa posibleng pagsiklab muli ng karahasan.


Gayunman, tumanggi si Tutaan na magbigay ng kanyang assessment sa kakayahan ng BIFF sa harap ng pagkakabawi ng militar sa mga pangunahing kuta ng rebeldeng grupo.


The post BIFF nagbabantang reresbak appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



BIFF nagbabantang reresbak


No comments:

Post a Comment