Sunday, February 2, 2014

MGA BATANG MANDIRIGMA AT VK NAGKALAT SA PASAY

burdado-jun-briones2 TATLONG “batang mandirigma” na kasapi sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang iniulat ng AFP na kasama sa kanilang mga napatay nitong nakalipas na linggo.


Dahil dito, naalarma ang Palasyo at kaagad kinondena ang pagre-recruit ng BIFF sa kanilang mga batang mandirigma!


Kung tutuusin, parekoy, mali naman talaga na pati ang mga menor de edad ay isali ng BIFF sa kanilang pakikidigma.


Kasing-mali rin, parekoy, sa ginagawa ng maraming sindikato ng droga na gawing kuryador ang mga bata!


Tangna, kung magpapatuloy ang kaganapang ito, darating ang araw na mawawala na ang pangitain ni Gat. Jose Rizal.


Na ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan.


Ang tanong, kailan nga ba o paano lumala ang ganitong sistema na ang mga menor-de edad ay nababalasubas na nang husto?


Katunayan, hindi lamang sila naging mga kuryador ng droga at mga mandirigma.


Karamihan sa kanila ay mga “drug addict” mismo kaya malalakas ang loob na isangkot ang kanilang mga sarili sa malalaking kaso gaya ng pagpatay, pagnanakaw at panggagahasa!


Ahhh, naalala ko na, parekoy.


Simula nang maipatupad ang hijo de-putang “Pangilinan Law” na nagbibigay ng matinding protection sa mga kabataan.


Ngunit hindi natanaw ng may akda na babalasubasin at gagamitin ang nasabing batas upang lalong ilugmok ang ating mga kabataan!


Kaya naman, kahit barangay chairman ang tatakbuhan ni dating Senador Kiko Pangilinan ay hindi ko na siya iboboto!


Peksman! Buwisit!


-o0o-


May katwiran na bansagang “Sin City o Gambling Capital” ng Pinas itong kaharian ni Mayor Antonino Calixto.


Lahat kasi ng bisyo ay nasa Pasay City na!

Putahan? Droga? Sugalan?


Ika nga, yu neym it and dey hab it!


Sa kaganapang ito, parekoy, hindi natin mapagtanto kung sino ang inutil at/o kung sino ang patong kaya nangungudngod ngayon sa bisyo itong Pasay.


Posibleng si Mayor Calixto mismo o kaya naman ay si Chief of Police Sr. Supt. Florencio Ortilla.


Or both! King-ina!


Basta ang alam natin, kung si Yorme ay may tagaikot na si Boyer, isang P02 William Cajayon naman ang nagpapakilalang bagman ni hepe!


At ang “center of attraction” ngayon sa dalawang ito ay si alyas “Jojo”, ang bagong hari ng VK machines na naglipana sa Pasay!


At kung si Boyer ay pumupunta kay Tocalix tuwing matapos mag-ikot, ito namang si Cajayon ay doon naghahatid sa apartment ng isang “tisay” na malapit daw sa puso ni hepe!


Sarap niyan, sir, ah! Hak, hak, hak!


May reklamo? 09163902686.


The post MGA BATANG MANDIRIGMA AT VK NAGKALAT SA PASAY appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MGA BATANG MANDIRIGMA AT VK NAGKALAT SA PASAY


No comments:

Post a Comment