Wednesday, February 26, 2014

Janet Lim-Napoles, ibiniyahe na pa-Camp Crame

MAAGA pa lamang ay pinaghandaan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagbiyahe ng convoy para sa itinakdang medical checkup ngayong araw ni Janet Lim-Napoles mula sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa Laguna patungong Camp Crame sa Quezon City.


Ayon kay PNP PIO Chief C/Supt. Reuben Theodore Sindac, ito ang isa sa mahigpit na ipinatutupad nilang protocol na bahagi ng security measures para kay Napoles na itinuturing na high risk detainee.


Sinabi ni Sindac na sa halip na papasukin ang media, maaaring ang PNP-PIO na lang ang kumuha ng ilang detalye ng pagpa-check up ni Napoles at ipapamahagi na lamang sa mamamahayag sa pamamagitan ng medical bulletin.


Ayon sa opisyal, posible rin na kumuha na lang sila ng ilang larawan ni Napoles habang sumasailalim sa checkup para ibahagi naman sa TV networks at photo journalist.


Kabilang sa mga nanguna sa seguridad ng biyahe ng tinaguriang pork barrel queen ay ang Special Action Force (SAF) at mga miyembro ng Region 4-A public safety battalion.


Samantala, kinumpirma naman ni PNP Health Service Chief Dr. Alejandro Advincula na binigyan sila ng isang buong araw ng korte para isagawa ang lahat ng kailangang procedures kay Napoles.


Kaugnay nito, nasa tatlong pangunahing espesyalista ang hahawak kay Napoles na kinabibilangan ng OB-Gyne, doktor sa internal medicine at family doctor.


The post Janet Lim-Napoles, ibiniyahe na pa-Camp Crame appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Janet Lim-Napoles, ibiniyahe na pa-Camp Crame


No comments:

Post a Comment