Wednesday, February 26, 2014

VP Binay suportado ang pag-decriminalize sa libel

SINABI ni Vice President Jejomar C. Binay na sinusuportahan niya ang panukalang i-decriminalize ang libel, ngunit sumang-ayon din siya sa desisyon ng Supreme Court na pagtibayin ang constitutionality ng online libel provision sa Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act.


Inilabas ng Supreme Court en banc ang desisyon noong nakaraang linggo.


Sinabi ng Vice President na umaasa siyang ang libel ay ma-decriminalize, subalit iginiit niyang ang kalayaan sa pagpapahayag ay dapat mabalanse ng pagpipigil at pananagutan sa sarili.


“Hindi pwedeng basta basta na lamang magpatuloy ang paninirang-puri nang walang pananagutan. Pero hindi dapat ito maging krimen,” aniya.


Inulit din ni Binay na habang may kalayaan ang mga tao na mamuna sa social media, dapat magkaroon ng pamamaraan upang mapanagot ang mga nagkakalat ng malisyosong pahayag.


Dagdag niyang dahil ito sa dumadalas na paggamit ng social media bilang paraan ng pagkalat ng black propaganda laban sa mga indibidwal.


“May mga hadlang at parameter [sa kalayaan sa pagpapahayag.] Hindi ka pwedeng basta basta na lang manirang-puri,” sinabi ng Vice President sa pagdiriwang ng ika-28 anibersaryo ng EDSA Revolution sa People Power Monument.


The post VP Binay suportado ang pag-decriminalize sa libel appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



VP Binay suportado ang pag-decriminalize sa libel


No comments:

Post a Comment