Wednesday, February 26, 2014

Calatagan, Batangas niyanig ng magnitude 4.5

NIYANIG ng magnitude 4.5 na lindol ang timog silangan na bahagi ng Calatagan, Batangas na may layong 17 kilometro alas-7:44 kagabi.


Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naitala ang lindol na may lalim na 118 kilometro.


Maliban dito, naitala rin ng Phivolcs ang Intensity II sa Looc at Lubang, Occidental Mindoro.


Ayon sa Phivolcs, tectonic in origin ang dahilan ng nasabing mga pagyanig.


Wala namang naitalang pinsala ang ahensiya sa pagyanig.


The post Calatagan, Batangas niyanig ng magnitude 4.5 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Calatagan, Batangas niyanig ng magnitude 4.5


No comments:

Post a Comment