PATAY ang isa, habang tatlo ang sugatan sa naganap na pagsabog sa Zone 4, Barangay Santiago sa Bato, Camarines Sur, kagabi.
Nabatid na alas-11 kagabi nang sumabog ang M203 grenade na ikinamatay ni Efren Bagasala Jr., 20, at ikinasugat nina John Paul Paran, 21; Ronnel Manuel Romaraog, 25 at Eliza Joyce Saberola, 20, pawang ng Brgy. San Vicente.
Lumalabas na nag-iinuman ang mga biktima nang sumabog ang bitbit ng isa sa kanila na granada.
Iniimbestigahan na kung sino sa mga ito ang may bitbit sa granada na sumabog.
The post Isa patay sa pagsabog sa CamSur appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment