MAKARAANG dalhin kaninang umaga sa Marawi City si Jachob “Coco” Rasuman, presidente at chief executive officer ng “Nad Auto Option” para sa kanyang dalawang court arraignments ay una nang inihain nito ang ‘not guilty plea.’
Si Rasuman ay may kasong syndicated estafa sa Lanao del Sur at Cagayan de Oro kasama ang kanyang misis na si Princess.
Sa Marawi City Regional Trial Court (RTC) Branch 10, agad na naghain ng “not guilty plea” si Rasuman makaraang basahan siya ng kanyang kinaharap na kaso.
Inaasahan namang kaparehong aksiyon ang gagawin ni Rasuman sa case arraignment niya mamayang alas-2 sa Iligan City RTCH Branch 1.
Si Rasuman ang itinurong nanguna sa paglustay sa 85 hanggang 150 porsiyento na return of investment ng kanyang pyramiding business sa loob lamang ng dalawang buwan na una na ring naaresto noong Nobyembre 2012.
The post Not guilty plea inihain ni Rasuman appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment