Monday, February 3, 2014

Mainit na panahon mararanasan ngayong linggo

MAGANDANG panahon ang naghihintay buong linggo dahil walang nagbabantang bagyo.


Ito ang pahayag ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather forecaster Samuel Duran.


Aniya, muling umiiral ang Amihan o northeast monsoon ngunit sa dulong Hilagang Luzon o Batanes area.


Itinaas na ang gale warning sa nasabing lugar.


Posible rin aniyang maging malamig na hanging dala ng Amihan ang mararanasan sa Metro Manila sa Huwebes.


Sa unang linggo ng Pebrero, madarama ang katindihan ng Amihan na tatagal hanggang sa ikalawang linggo ng buwan.


Hanging mula naman sa Pasipiko ang nakaaapekto sa silangang Luzon at Visayas kaya makararanas doon ng maalinsangang panahon.


The post Mainit na panahon mararanasan ngayong linggo appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mainit na panahon mararanasan ngayong linggo


No comments:

Post a Comment