CHRISTOPHER DE LEON is showing signs of TV fatigue. Ganun-ganun na lang ang kanyang pag-arte na nakawawalang gana.
Minsan parang wala ng direksyon ang artista. Natatakot na kayang sitahin ng direktor and premyadong aktor?
Isa pa yung pagbihis sa kanya. Nakikipagpaligsahan ba naman si CDL na maging fashion plate eh matanda naman na ito, he, he. Nakababaliw ang terno ng kanyang color combination. Pati suot na white pants at mga pastel colors na outfits. Nakababading talaga na dapat, eh, staid ang character. Istriktong masungit at hindi aging fashion plate, ha, he.
JOEL TORRE creates another interesting face of evil sa Honesto. Ang galing-galing nya rito. Pero worried ang ibang magulang dahil parang masyadong malupit ang karakter na maagang napanonood ng mga impressionable kids. Baka nga gumaya ang mga batang mas powerful ang evil kumpara sa napakahirap gawing magpakabuti. Dapat gabayan na lang ng magulang kung may tunay na malasakit ang mga responsible parents.
IAN VENERACION is a competent actor and shows his good education. Nakabibilib ang artistang ito pagdating sa interviews. May utak at maski sa soap ay tamang tama ang pagbigkas ng salitang ceremony unlike many others na talagang nagpabaya.
‘Wag na lang si Daniel Padilla sa kanyang kanta kasi karamihan ng mga fans ay mga batang tatanga-tanga rin, he, he. Sulit siya sa Got to Believe.
GARY VALENCIANO delivers movie theme songs in a haunting way. Ang ganda ng kantang Ikaw Lamang sa pelikulang Dubai. Mahirap makalimutan kaya nang ginagamit ito sa bagong teleserye nina Coco Martin at Kim Chiu, bigla mong maalala ang pelikulang bida sina Aga Muhlach, John Lloyd Cruz at Claudine Baretto. Sayang naman, sana gumawa na lang ng bagong kanta para sa tila napakagandang teleserye.
RIO LOCSIN displays her true worth as an effective actress. Mahusay siya sa The Legal Wife na talagang sulit ang pag-stay ng viewers maski pagabi na ang time slot. Bagay na bagay ang kanyang character sa timpladong pagganap.
Angel Locsin is lucky to have her dahil sa halap na agawan sya ng galing, Rio enhances Angels’ acting to a pleasurable one. Di na kailangang magpapanget para makitang umaakting sila ng mahusay, he, he.
The post ‘Di na kailangang magpapanget para maipakita ang husay sa pag-arte…. appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment