Wednesday, February 26, 2014

‘Flesh-eating’ disease itinanggi ng DoH

PINAWI ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko hinggil sa ulat na may kumakalat na “flesh-eating” disease sa Pangasinan.


Ayon kay Health Undersecretary Janette Garin, ang mga nasabing sakit ay hindi flesh-eating disease kundi leprosy o ketong at psoriasis na hindi naman nakakahawa.


Kaugnay nito, sa ngayon ay iniimbestigahan na ng DOH ang nasabing kaso at wala ng dapat pang ipangamba ang publiko.


Sinabi pa ni Garin na ang isa sa nga pasyente ay na-diagnose ng ketong na isang uri ng sakit sa balat.


Nabatid na nagkaroon umano ng side effect ang gamot na iniinom ng pasyente kaya nagkaroon ng allergy.


Sa ikalawang pasyente naman ay bineberipika pa ng mga awtoridad ang kaso nito, bagamat una nang lumitaw sa record na ang pasyente ay may psoriasis, na isang uri ng skin desease na nagdudulot ng pagbabalat at pamumula ng balat pero hindi naman umano ito nakakahawa.


The post ‘Flesh-eating’ disease itinanggi ng DoH appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Flesh-eating’ disease itinanggi ng DoH


No comments:

Post a Comment