Wednesday, February 26, 2014

Candidate bond ng COMELEC binatikos

TINUTULAN ng mga kongresista ang plano ng Commission on Election (COMELEC) na magpataw ng candidate bond sa mga nuisance candidate upang mapigilan ang mga ito na tumakbo sa halalan.


Pakiusap ni dating Justice Secretary at 1-BAP Partylist Rep. Silvestre Bello III na huwag nang itulak ng COMELEC ang pagpapataw ng “candidate bond” sa mga kandidato o tinuturing na nuisance candidate dahil nilalabag nito ang probisyon sa Konstitusyon sa karagdagang kwalipikasyon sa mga tatakbong kandidato.


Banggit naman ni Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga na ang pagpapataw ng excessive bond sa mga nuisance candidate para hindi na kumandidato ay malinaw na paglabag sa constitutional rights ng isang indibidwal na mahalal sa public office.


Sa panig naman nina Abakada Rep. Jonathan dela Cruz at Akbayan Rep. Walden Bello ay iginiit ng mga ito na discriminatory at “anti-poor” ang nais na gawin ng COMELEC.


Ani dela Cruz, ang hakbang na ito ng COMELEC ay paglabag sa karapatang bumoto at makaboto.


Batay sa pahayag ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, wala pa silang naiisip kung magkano ang bond na ipapataw sa mga nuisance candidate at ito ay ipapaubaya na nila sa mga mambabatas.


Nilinaw pa ng COMELEC na hindi nito layunin na patakbuhin lamang sa eleksyon ang mga mayayamang kandidato.


The post Candidate bond ng COMELEC binatikos appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Candidate bond ng COMELEC binatikos


No comments:

Post a Comment